^

Bansa

Air strikes vs Maute!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Air strikes vs Maute!

Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID), kasabay ng inilunsad na bombardment sa kuta ng Maute ay nagsagawa naman ng surgical operations ang elite forces ng Special Operations Command. PAF website, file

MANILA, Philippines - Naglunsad na kahapon ng air strike ope­rations ang tropa ng pamahalaan sa tatlong barangay na natukoy na pinagkukutaan ng Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID), kasabay ng inilunsad na bombardment sa kuta ng Maute ay nagsagawa naman ng surgical operations ang elite forces ng Special Operations Command.

Nabatid na ginamit sa air strike operations ang MG520 attack helicopter matapos na magsilikas na ang mga sibilyan sa lugar upang hindi magkaroon ng collateral damage sa operasyon.

“Yung ginawa natin, napaka-precise. Gumagamit tayo ng surgical air strikes,” pahayag ni Herrera na nanawagan sa mga residente sa lugar na kung may natitira pa sa mga ito na hindi pa nagsisilikas ay mas makabubuting magsialis na muna pansamantala upang hindi madamay sa pinaigting na opensiba.

Ang bakbakan ay muling sumiklab matapos na magsagawa ng raid ang tropa ng pamahalaan sa safehouse ni Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon noong Martes kung saan kinagabihan ay lumusob ang Maute terror group sa lungsod na nagsagawa ng panununog at pangho-hostage.

Kabilang sa mga lugar na tinarget ng air strikes ang mga Brgys. Gadungan, Basak Malutlut at Bangon na pinamumugaran ng tinatayang nasa 30-40 mga armadong Maute.

“Mahilig po silang mag-move, so ‘yun po ang tinututukan natin ngayon…. Gumagamit po tayo ng combined arms ano, this means combination ng armor assets natin, ng Infantry and Special Operations Units, and other units para ma-neutralize,” anang opisyal.

Nagpapatuloy naman ang surgical operations upang malipol ang nalalabi pang Maute terrorist sa nasabing lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with