PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Arroyo walang interes maging House Speaker

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na wala siyang balak kunin ang pinakamataas na pwesto sa Kamara.

Sinabi ni Arroyo sa isang pulong balitaan ngayong Huwebes na hindi siya interesado maging House Speaker.

Nitong nakaraang taon ay naging usap-usapan na papalitan niya si House Speaker Pantaleon Alvarez.

BASAHIN: House Speaker Alvarez handang magbitiw ‘anytime’

Muling nabuhay ang umano’y pagiging House Speaker niya nang magkaaway sina Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr.

Panandaliang nanilbihan bilang House Deputy Speaker si Arroyo ngunit sinibak siya sa pwesto ni Alvarez nang bumoto siya kontra sa death penalty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Para naman kay Alvarez ay handa niyang bitawan ang pagiging pinuno ng Kamara nang mabatikos siya dahil sa pagkakaroon ng girlfriend kahit kasal pa sa kaniyang pangalawang asawa.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: