^

Pang Movies

LJ hindi agad puwedeng pakasalan si Paolo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No holds barred ang interview at walang pag-iwas si LJ Reyes sa mga tanong sa kanya sa grand presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, ang bagong afternoon prime ng GMA 7, tungkol sa relasyon nila ngayon ng dalawang ‘Paolo’ sa buhay niya, sina Paulo Avelino at Paolo Contis.

Hindi naman niya inilalayo sa kanyang ama ang anak na si Aki. Pero may papel pa ba si Paulo sa kanilang anak?

“Kung gusto niya, busy yata siya,” na sinabayan ng tawa ni LJ. “Kilala naman ni Aki ang daddy niya, hinahanap din niya sa akin dahil napapanood niya sa TV.  Saka busy rin naman si Aki sa studies niya.”

Sa tanong kay LJ kung kelan ang kasal nila ni Paolo Contis, okey daw ang relasyon nila pero marami pang inaayos bago sila magpakasal. Magkasamang nagbakasyon sina LJ, Paolo at Aki sa New York kung saan naka-base ang mommy at sister ni LJ.

Sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, muling mapapanood si LJ na nagdadrama, at napakasama ng character niya, kapalit na ba siya ng kilalang kontrabida sa GMA, si Jean Garcia na kasama rin niya sa afternoon prime?

“Hindi naman, iisa ang Jean Garcia, kaya lamang mabait ang character niya rito at ako talaga ang mean sa character ko.  Bukod kay Julie Anne (San Jose), kahit si Ms. Jean, binabangga ko. Basta, panoorin ninyo ang pagtataray ko rito.  Matagal-tagal din akong hindi nag-drama at dito todo na ang gagawin ko.”

May ilang eksenang ipinakita sa full trailer na medyo sexy siya, gagawin ba niya iyong pagpapaseksi ni Ryza Cenon, na ultimate winner nila noon sa Starstruck sa afternoon prime din nitong Ika-6 Na Utos?

“Hindi naman, si Ryza na muna ngayon, okey na ako sa pagpapaseksi, ang laki na ng anak ko, tama na ang paseksi, sa drama na lamang ako.”

Sa Lunes, January 30, mapapanood ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa direksyon ni Ms. Gina Alajar.

Direk gina nagpaliwanag sa reklamo ni Ara

Walang Ara Mina na sumipot sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa kaya si Direk Gina Alajar ang nakausap ng press tungkol sa issue ng actress laban sa GMA Network. Hindi pa rin daw kasi tapos ang issue at nag-uusap pa ang management at si Ara.  Pero si Direk Gina, hindi raw niya nabasa ang inilabas ni Ara sa social media, basta ang iniisip niya ay paano ang kanilang afternoon prime sakaling umalis na si Ara?

“Marami na kasi siyang nagawang eksena as the mother of LJ Reyes,” sabi ni Direk Gina.  “Maapektuhan ang buong serye, kailangan ba kaming mag-reshoot? But in fairness kay Ara, napakahusay na niyang actress ngayon. Naidirek ko na siya noon, kaya alam ko na mas mahusay siya ngayon. Matagal din kaming hindi nagkasama at ngayon lamang mauulit. She’s very professional naman.”

Nagbigay din ng ilang paliwanag ni Direk Gina na possible reasons kung bakit may reklamo si Ara sa network.  Baka raw nainip dahil matagal silang na-stop ng taping dahil hindi pa pwedeng tapusin ang papalitan nilang serye, ang Sa Piling Ni Nanay. 

Posible rin daw na baka nasira ang timetable nito sa trabaho, baka may offer na iba sa kanya na conflict na sa kanyang ginagawa ngayon. Hindi pa raw sila ulit nagti-taping na kasama si Ara kaya wala rin siyang maibigay na dahilan.

 

vuukle comment

LJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with