^

Bansa

Memo sa Endo ilalabas ng DOLE

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinahayag kahapon ni Labor Secratary Silvestre Bello III na magpapalabas sila ng memorandum na naglalayong mabawasan ng 50 porsiyento ang “Endo” o end of contract.

Ayon kay Bello, layon niyang mabawasan ang kontraktuwa­lisasyon ng 50 porsiyento sa pagtatapos ng 2016.

Ang mga manggagawa sa ilalim ng “Endo” o “555” ay tumatanggap ng mas mababa sa itinatakdang minimum na sahod at walang benepisyo tulad ng Social Security System (SSS), Pag-ibig, at PhilHealth.

Sinabi ni Bello na tinatapos na ng DOLE ang memorandum na nag-aatas sa lahat ng DOLE regional offices na umpisahan na ang paglilinis sa mga kompanya na nagpapatupad ng “endo”.

“Tinatanggalan ng mga establisimyentong nagpapatupad ng iligal na kontraktuwalisasyon ang mga manggagawa ng kanilang overtime, holiday pay, at iba pang benepisyo,” ani Bello.

Aniya ang Endo ay isang kasunduan sa paggawa kung saan ang manggagawa ay kinukuha lamang para magtrabaho ng may limang buwan at wala silang security of tenure, monetary, non-monetary, at iba pang benepisyo. Sa unang senior officials meeting (SOM) ng DOLE, inatasan ni Bello ang mga DOLE Regional Office na magsumite ng listahan ng establisyemento na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with