PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Leni, mabuting ina, mabuting lider

“With Leni Robredo, nararamdaman ko na she’s really going to be there to serve the people,” wika ni Aquino, na inindorso ang kandidatura ni Robredo at sumama pa sa pangangampanya sa kanya. Philstar.com file

MANILA, Philippines – Kumbinsido si movie/television actress Kris Aquino na si LP vice presidential candidate Leni Robredo, bilang mabuting ina, ay magiging mabuting lider din ng bansa.

“With Leni Robredo, nararamdaman ko na she’s really going to be there to serve the people,” wika ni Aquino, na inindorso ang kandidatura ni Robredo at sumama pa sa pangangampanya sa kanya.

“I felt this woman embodies what I aspire to be. Motherhood, iyong pagiging nanay, really matters because I know that a good mother will be a good leader,” dagdag niya.

Para naman kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, si Robredo ay magandang halimbawa ng isang ina dahil sa tapat at totoong pagnanais niyang tumulong sa taumbayan na walang inaasahang kapalit.

“Importante ang may pulso ng nanay. Kapag may touch ng pulso ng nanay, ito pong mangangalaga sa ating asawa’t mga anak. Bilang isang ina, alam po namin ang pulso’t pangangailangan ng buong pamilya,” wika ni Gov. Vi sa isang pagtitipon sa Batangas.

Sa kanyang panapos na pananalita sa ikalawang vice presidential debate noong April 18, inihalintulad ni Robredo ang sarili sa isang ina na handang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng mga anak at mahal sa buhay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: