^

Bansa

Cayetano umaangat kay Duterte

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaking hatak pa sa kandidatura ni Vice Presidential Candidate Sen. Alan Peter Cayetano ang aasahan sa naging pag-endorso dito ni Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nangunguna ngayon sa mga surveys.

Sa obserbasyon ni political analyst Mon Casiple, malaking puntos ang pagtaas sa survey ng isang presidential candidate dahil nahahatak din nito pataas ang popularidad ng kanyang Vice President, gaya sa kaso ni Duterte na malakas ang hatak sa Visayas at Mindanao na nagawa ding hatakin pataas si Cayetano.

Sa survey ng Manila Broadcasting Corporation noong Abril 2 sa may 7,940 respondents ay nakuha ng Duterte-Cayetano ang Mindanao. Nakakuha si Cayetano ng 30.2% sa Mindanao habang si Marcos ay may 22.6%, Escudero 17.5% at panghuli si Robredo na may 16%.

Si Cayetano din ang nangunguna sa Region 7 na kinabibilangan ng Cebu, Bohol at Siquijor. Siya ay may 36.1%, sumunod si Escudero 22.4%, Robredo 18.1%, at Marcos 9.2%.

Tiwala naman si Duterte na kasabay niyang aangat sa mga susunod pang mga survey ang katandem na si Cayetano.

Una nang hinikayat ni Duterte ang mga supporters nito na iboto si Cayetano na alam umano nyang hindi lamang maga­ling na mambabatas kundi opisyal na may adbokasiya na tuldukan ang korupsyon. Ang mga ganitong opisyal umano ang kailangan ng bansa sa harap na rin ng pagiging ika 95th rank ng Pilipinas sa mga pinaka corrupt ayon sa 2016 Transpa­rency International.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with