700 cubic centimeters na dugo tinanggal sa baga ni Jolo
MANILA, Philippines – "Life-threatening" ang kalagayan ni Bise Gobernador Jolo Revilla, ayon sa abogado ng kanyang ama na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ngayong Martes.
Napusukan ng dugo ang baga ng nakababatang Revilla matapos aksidente umanong mabaril ang sarili habang nililinis ang isang baril.
"Continuous bleeding in the chest cavity coming from trauma on lungs... Blood in the chest cavity is always life-threatening," wika ng abogadong si Ramon Esguerra base sa sinabi ng mga doktor ng Asian Hospital and Medical Center sa lungsod ng Muntilupa.
Dagdag niya na 700 cubic centimeters ng dugo na ang natanggal sa baga ng Bise Gobernador mula nang maoperahan nitong kamakalawa.
"Continuous internal bleeding is life-threatening in an uncontrolled environment, serious in a controlled setting like a hospital even if vitals signs are stable.”
Mayroong haka-hakang nagtangkang magpakamatay ang nakababatang Revilla dahil sa kinakaharap na kaso ng ama kaugnay ng pork barrel scam.
Samantala, nakatakdang bisitahin ng Senador ang anak matapos payagan ng Sandiganbayan.
Limang oras ang ibinigay sa nakatatandang Revilla na aalis ng Philippine National Police Custodial Center ganap na alas-2 ng hapon.
- Latest