^

PSN Palaro

Laure tiwalang makakabalik si Poyos

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala si dating queen Tigress Eya Laure na kaya ng University of Santo Tomas na makipagsabayan kahit wala ang top scorer na si Angge Poyos.

Malaki ang posibilidad na hindi makalaro si Poyos matapos itong magtamo ng injury sa Game 1 ng UAAP Season 86 women’s volleyball championship series ng UST at National Uni­versity noong Sabado.

Namamaga ang ka­nang paa ni Poyos na ma­nga­ngailangan ng ilang araw na pahinga bago mu­ling bumalik sa 100 por­siyentong kundisyon.

Personal na nasaksihan ni Laure ang nangyari kay Poyos.

At nagbalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya noong Season 81 kung saan nagtamo rin ito ng injury sa finals.

Umaasa si Laure na ma­bilis na makakarekober si Poyos para makabalik agad ito sa krusyal na Game Two bukas.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with