^

Metro

Babae patay sa pamamaril sa bahay; 2 suspek, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 36-anyos na babae matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City, noong Lunes ng gabi. Arestado ang mga suspek matapos matunton sa tulong ng CCTV footage.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Norlan,” 33, at “Khael,” 31, na kapwa residente ng Upper Bicutan. Dakong alas-11:40 ng gabi nang pasukin ng mga ito ang bahay ng biktimang si alyas “Sha-Hannie” at pagbabarilin habang nakaupo sa may pintuan ng kanyang silid.

Nakatakas ang live-in partner ng biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana at humingi ng tulong sa barangay. Sa follow-up operation, natunton ang mga suspek habang nag-iinuman at nakumpiska sa kanila ang isang 9mm pistol, mga damit, helmet at iba pang gamit na posibleng may kaugnayan sa krimen.

Inihahanda na ang mga dokumento para sa inquest proceedings habang isinasailalim sa pagsusuri ang nakum­piskang baril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with