^

Metro

Vlogger nag-sorry

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Nagpaputok sa kanyang fishpond

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang vlogger-businessman na si Romeo Catacutan matapos kumalat ang video kung saan makikitang nagpaputok siya ng baril patungo sa isang fishpond noong Nob­yembre 13.

Sa kanyang video post sa Facebook, ina­min ni Catacutan ang kanyang pagkakamali at humihingi ng kapatawaran sa publiko lalo na sa kanyang mga follower. “Nagkamali po ako,” ani Catacutan.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, kinansela ng Firearms and Explosives Office ang lisensiya ng pitong mga baril ni Catacutan noong Nob­yembre 16.

Paliwanag ng PNP, ipinagbabawal ang basta-bastang pagpapaputok ng baril sa pribadong lugar maliban kung ito ay rehistrado o accredited na firing range, dahil maaari itong magdulot ng pa­nganib sa publiko.

Posible ring maharap sa kaukulang kaso ang dalawa pang indibidwal na makikita sa natu­rang video, kabilang ang taong pumapalakpak habang nagpapaputok si Catacutan at ang kumuha ng video.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with