^

True Confessions

Ang Magkakapatid (39)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘KUNG buhay si Mama, ang saya siguro niya. Kasama ko siyang aakyat ng stage habang pinipiktyuran mo kami,” sabi ni Ipe kay Ada na humihi-ngal pa dahil sa matin-ding kasiyahan.

“Sino ang magsasabit sa iyo ng medal Kuya?’’

“E sino pa? Ikaw! Da­lawa lang naman tayong magkapatid. Alangan namang kung sino ang hatakin ko para isama sa stage.’’

Napahagikgik si Ada.

‘‘Oo nga ano? Sorry Kuya, tao lang.’’

“Kaya ibibili kita nang maayos na damit para pag-akyat mo sa stage ay hindi ka naman dugyot.’’

Inambaan ng suntok  ni Ada ang kanyang kuya. Nagtawa lang si Ipe.

‘‘Sana nga buhay si Mama ano, Kuya. Siguro ipagsasabi niya sa mga kaibigan niya na cum laude ka. Tiyak kakalat dito sa lugar natin na CPA ka na.’’

‘‘Hindi pa naman CPA. Accounting grad pa lang. Kailangang mag-take pa ako ng board exam.’’

“Ganun na rin yun, Kuya. Sigurado ako magta-top ka sa CPA board.’’

“Sana nga Ada. Kapag nag-top ako, tiyak nang marami nang mag-aalok na accounting firm sa akin.’’

“Malaki ang kutob ko, magna-number one ka.’’

“Ibalita mo kay Tita Karla na Cum laude ako. Next month na ang graduation ko.’’

“Oo Kuya. I-private message ko siya sa FB.’’

“Sana makauwi siya next month para makadalo sa graduation ko.’’

“Di ba kauuwi lang niya. Next year na uwi ni Ninang Kuya.’’

NAKA-GRADUATE si Ipe. At ang pinaghandaan naman niya ay ang board exam. Wala siyang pe-rang pambayad sa review center kaya self review lang siya.

Kapag nagsawa sa pagrerebyu sa bahay, sa library ng pinagtapusang unibersidad siya naka­babad. Buhos na buhos ang atensiyon niya. Hindi siya susuko. Patutunayan niyang kayang mag-number one.

Kapag nag-top siya, dito na magsisimula ang pagbabago sa buhay niya at ni Ada. Ito na ang katuparan ng kanyang mga pangarap na sini­mulan niyang buuin mula noong bata pa siya. Hindi niya nakaka­limutan ang sinabi na pamumukhaan niya ang matapobreng lumait-lait sa kanyang mama.

Malapit nang mang­yari iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with