^

True Confessions

Black Widow (126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PUPUNTAHAN ko si Jam sa bahay niya at sasabihin ko na may relasyon na tayo,” sabi ni Jam na halatang problemado.

“Gusto mo tayong dalawa ang magpunta? Para may force kapag pinagtapat natin ang relasyon.’’

“Sige, Jose. Mas mabuti pa.’’

“Sabihin mo kung kailan tayo pupunta?’’

“Sa Linggo. Siya naman ang sorpresahin natin. Di ba lagi niya tayong sinusorpresa? Ngayon, tayo naman ang gagawa niyon.’’

“Okey ang naisip mo. Sige puntahan natin siya sa Linggo ng hapon.’’

Pero bago nangyari ang plano nilang pakiki­pagharap kay Jam, nalaman na nito ang kanilang relasyon.

Walang kamalay-malay sina Marie at Jose na nakita sila ni Jam habang magkahawak ng kamay na namamasyal sa isang malaking mall. Masayang-masaya sina Marie at Jose habang naglalakad at sa di-kalayuan ay nakatingin sa kanila si Jam.

Palihim na sumunod si Jam sa dalawa. Maingat na maingat ang hakbang niya at baka makita siya.

Habang sinusundan ay masamang-masama ang loob ni Jam. May relasyon na pala ang dalawa. Kaya pala laging magkasama ay may relasyon na!

Pero hindi pa rin siya susuko. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang lalaking matagal na niyang inaasam na makasama. Kailangang magtagumpay na siya sa mga susunod na gagawin. Siya ang magwawagi at hindi si Marie!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HABANG

ITUTULOY

JAM

KAILANGANG

KAYA

PERO

SA LINGGO

SIGE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with