^

True Confessions

Kastilaloy (180)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

KAHIT duguan na ay pilit pa ring lumalaban si Geof at gustong mahawakan si Gina para makaganti sa natamong mga palo mula sa rolling pin. Pero malakas si Gina at galit na galit kaya muling pinalo si Geof.

“Hayup ka! Hayup ka! Manloloko! Um! Um!”

Pawang sa mukha ang tama ni Geof. Su­margo ang dugo sa mukha.

Si Carmina naman ay nakahanda sa mga mangyayari. Nakatutok ang baril kay Geof.

Nang nakalugmok    na si Geof at tila wala nang malay, inutusan ni Carmina si Gina.

“Tumawag ka ng pulis, Gina --- 117 dali! Baka magkamalay pa ang hayup na yan ay balikan tayo.’’

“Opo Ate!”

“Akong magbabantay dito!”

“Kung talian po natin ang hayup Ate?’’

“Sige para sigurado. Kunin mo ang mga tali ng sapatos ko sa cabinet. Marami akong ekstrang tali roon. Bilis!”

Tinakbo ni Gina ang cabinet ng damit ni Carmina at kinuha ang mga tali.

“Sige talian mo ang mga kamay at paa! Tiba-yan mo. Doblehin mo ang tali para hindi makatakas. Delikado tayo sa taong ‘yan.”

Sinunod ni Gina ang utos. Nang maitali ang mga kamay at paa ay nakahinga sila nang maluwag. Napasalampak si Carmina sa suwelo dahil sa matinding pagod at takot na namayani kanina. Maski si Gina ay suma­lampak din sa suwelo. Ngayon niya naramdaman ang matinding pagod dahil sa pagpalo kay Geof.

Makaraan ang ilang minuto at nakarekober na ang dalawa, saka sila tumawag ng pulis. Si Carmina na ang tumawag sa police hotline.

Nang makatawag ay binalikan nila sa kuwarto si Geof. Gusto nilang makasiguro kung nagkamalay na si Geof.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKONG

ANG

CARMINA

GEOF

GINA

HAYUP

NANG

OPO ATE

SI CARMINA

SIGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with