^

True Confessions

Ellang (87)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

PALIHIM akong na­ka­bantay sa mga na­kasampay kong da­mit at underwear sa likod ng bahay. Gusto kong mahuli sa akto si Rashid habang ki­nukuha ang aking panty.

Dakong ala-una ay nakita ko ang pag­babalik ni Rashid. Ha­wak niya ang foot­ball at nilalaru-laro habang papasok sa gate. Hindi naman ako humihinga ha­bang palihim na nakatingin sa kanya. Ganoon man, ako ang nata­takot. Ma­gawa ko ka­yang komprontahin ang tinedyer na ito habang nasa aktong kinukuha ang aking panty? Parang hindi ko kaya. Takot ako.

Pumasok na sa ba­hay si Rashid. Nasu­bay­bayan ko siya ng tingin. Nakakubli ako sa madilim na bahagi ng bahay kaya hindi niya ako nakikita.

Nagtuloy sa kusina  si Rashid. Maya-maya ay bumalik sa salas at pagkatapos ay sa com­fort room na malapit lamang sa kusina. Matagal ito sa CR. Ano kayang ginawa? Kina­ka­bahan ako.

Makalipas ang sam­pung minuto ay lumabas si Rashid. Dinampot ang football sa sopa at muling lu­mabas sa bahay. Kan­dahaba ang leeg ko at baka magderetso sa likod ng bahay at ku­kunin ang panty ko.

Pero hindi siya sa likod ng bahay nag­punta kundi sa gate at binuksan muli iyon. Lumabas uli ang sutil na tinedyer. Isinara ang gate. Hula ko ay may nag-aabang na mga kabarkada sa labas. Ganoon ang ginagawa ng barkada ni Rashid.

Nang inaakala kong hindi na babalik si Rashid ay lumabas na ako sa kinukublihan. Mabilis akong nag­tu­ngo sa likod ng bahay at kinuha ang aking mga sampay. Baka pagbalik ni Rashid ay saka nakawin ang panty ko.

Hindi ko nalaman kung anong oras bu­malik si Rashid.  Na­unahan pa siyang dumating nina Sir at Madam galing sa trabaho. Hindi naman tinanong sa akin kung nasaan si Rashid.

Kinalimutan ko ang panty isyu at ang pagpapaalam muli sa aking mga moder ang pinlano ko. Ba­balik ako sa Biyernes sa church na malapit sa Shoula. Para ma­karinig ng salita ng Diyos. Sana ay na­roon din si Dolfo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

BAHAY

GANOON

RASHID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with