^

True Confessions

Ellang (ika-86 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

ITINIGIL ko na ang pag­hahanap sa nawawala kong panty. Ano ba naman ang halaga ng isang panty? Maaari pa akong makabili niyon. Naisip ko siguro ay na­iwan ko sa sampayan sa labas at maaaring na­tangay ng hangin nang minsang mag-sand­storm. Sa lakas ay naalis ang sipit. At napadpad na kung saan. Napabaon sa buhanginan at kung saan pa. Hindi ko na inisip pa kung ano na ang nang­yari.

Pero nang sumunod na linggo, napansin kong isang panty ko na naman ang nawawala. Masama na ito! Natatandaan ko na iniwan ko ang mga naka­sampay kong underwear sa likod ng bahay. Kadalasang mga alas-diyes ng umaga ako nagsasampay ng aking mga damit at dakong alas- dos o alas tres ko kukunin. Naging palagay ang aking loob at hindi ko nabantayan ang aking sampay.

Si Rashid ang unang sumilid sa aking isipan na kumukuha ng aking panty! Sino pa naman ang maa­aring kumuha ng aking panty gayong siya lang naman ang kasama kong lalaki sa bahay sa mag­hapon. At sa tipo ni Rashid na isang tinedyer na ma­barkada at palagay ko’y nakakatikim na ng alak o illegal na droga, hindi ma­layong siya nga ang kumu­kuha ng aking mga panty. Napagti-tripan.

Nangamba na ako sa nangyayari. Kung isum­bong ko na kaya kay Madam at Sir ang pagka­wala ng mga panty ko. Sabihin kong si Rashid lamang ang tangi kong kasama sa maghapon kaya sino pa ang ibang kukuha. Pero nagdalawang isip ako. Wala naman akong katiba­yan na si Rashid ang ku­muha. Ni hindi ko nga na­kitang nagtungo sa likod ng bahay ang tinedyer. Deli­kado at baka ako ang pa­galitan o palayasin dahil sa pagbibintang.

Naguluhan ako. Hindi ko malaman ang gagawin. Ma­uubos ang aking panty kapag nagpatuloy na mawa­wala.

Kinabukasan ay nag­matyag ako. Naglaba ako ng dalawang panty at isi­nampay sa likod ng bahay. Dakong alas-nuwebe ng umaga ako nagsampay.

Dakong alas-diyes ay nakita kong lumabas ng bahay si Rashid. Gagala na naman kasama ng mga kabarkada niya. Tiyak na babalik ng ala-una o alas dos.

Aabangan ko si Rashid. Kung siya ang kumukuha ng panty ko, makakatikim siya ng hindi pa niya natitikman!

(Itutuloy)

vuukle comment

AKING

AKO

DAKONG

KONG

PANTY

RASHID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with