^

True Confessions

Ellang (ika-79 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

HINDI na ako nagsusuot ng damit na maaaring mag-reveal ng bahagi ng aking katawan. Kung noon ay maaari akong magsuot ng t-shirt lamang at walang bra, at paiiba­bawan ko lang ng abaya, ngayon ay hindi ko na ginagawa iyon. Kung t-shirt lang at wala akong bra, tiyak na magpipista si Rashid sa malalaking  “papaya”. Kaya balot na balot ang aking katawan kahit na nasa bahay. Mas mabuti nang walang ma­kitang pagnanasaan ang tinedyer.

Napapansin ko naman na tila nawiwili na nga si Rashid sa paglabas ng bahay. Babantayan lamang ang pag-alis nina Sir at Madam at saka pupuslit   na. Araw-araw ay ganoon ang ginagawa. Minsan, aalis at saka babalik pag­karaan ng kalahating oras. At aalis muli.

Nang tumagal ay isang oras nang nawawala si Rashid. Pagdating naman sa bahay ay magkukulong sa kuwarto. Aywan kung ano ang ginagawa.

Nang tumagal, natuk­lasan kong nakakuha na pala siya ng mga kaibigan. Nasilip ko minsan na tatlong kabataan na halos kasing-edad, kasing tang­kad at kasing payat, ang nag-aabang sa may gate. Iyon ang mga kabarkada niya.

Minsan, may dalang football si Rashid nang umuwi. Nasilip ko siya. Naglaro marahil kasama ang tatlong kabarkada. Karaniwan nang sa disyerto naglalaro ng football ang mga kabataan. Paborito nila ang football.

Minsang umalis si Ra­shid ay sinamantala ko   ang pagkakataon. Tuma­wag ako kay Sister Cynth. Pero wala si Sister at sa halip ay si Bro. Ben ang na­kausap ko.

“Sa Friday sikapin mong makadalo at marami ta­ yong activity. Ikalimang anibersaryo na ng church. Maraming dadalo. Sayang naman, Ellang.”

“Sisikapin ko Bro. Ben.”

“Basta ingat lang.”

“Opo”.

Hindi ko naman inaa­sahan na papayagan   ako ni Sir at Madam ng Biyernes na iyon na ma­kapunta sa “Batha”. Iyon kasi ang dahilan ko — pu­punta sa Batha. Nagsinu­ngaling na na­man ako pero ano ang aking maga­gawa. Iyon lang ang alam kong paraan. (Itutuloy)

vuukle comment

BATHA

IYON

MINSAN

RASHID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with