^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (9)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cinderella ng Pasay City)

"BAGO pa kita naging siyota, kasulatan ko na si Melvin Underwood…" sabi kong nagpapaliwanag kay Jomar.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Biru-biro lang naman sa simula. Akala ko, hindi na ako sasagutin ni Melvin."

Napailing-iling si Jomar.

"Nagsisisi ka?"

Hindi sumagot.

"Hindi naman tayo kasal, Jomar at kung gusto mo akong iwan, okey lang."

"Ngayon pa?"

"Anong ngayon pa?"

"Buntis ka."

"E ano?"

Lumabas si Nanay mula sa kusina. Nakatingin sa amin. Sambakol ang mukha. Pumasok sa kanyang kuwarto. Ang pinakapinto ng kanyang kuwarto ay kurtina. Narinig namin ang pagbagsak ng kanyang likod sa kama. Lumangitngit iyon.

"Sinasabi ko ito nang maaga Jomar para pagdating ng panahon e hindi mo ako sisihin."

Napailing-iling si Jomar.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BAKIT

BIRU

BUNTIS

ITUTULOY

JOMAR

MELVIN UNDERWOOD

NAPAILING

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with