^

True Confessions

La Viuda (38)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS sumabog ang mga rebelasyon tungkol kay Kristina at Ernesto, mabilis na lumabas ng mansiyon si Kristina patungo sa musuleo para mapag-isa. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay mula sa matinding tensiyon sa hapag-kainan, ngunit bago pa man siya makarating doon, isang kamay ang mahigpit na humawak sa kanyang braso.

“Kristina, sandali!”

Lumingon si Kristina at nakita ang humihi­ngal na si Ernesto. Nasa mga mata ng binata ang pinaghalong pagtataka, kaba, at isang uri ng ligaya na pilit nitong itinatago.

“Bakit mo sinabi ‘yon sa harap ng aking ina?” pabulong ngunit mariing tanong ni Ernesto habang nakatitig sa kanya. “Alam nating dalawa na isang gabi lang tayong nagsama... Bakit nagsinungaling ka?”

Tinitigan ni Kristina si Ernesto. Alam niyang nakasalalay sa sandaling ito kung mananatili ang binata sa hacienda upang maging balakid sa mga plano ng Donya.

Umiyak muna si Kristina bago nagsalita. “Dahil natatakot ako, Ernesto! Dahil kung hindi ko sinabi ‘yon, ipagtatabuyan ka lang uli ng ina mo at maiiwan akong mag-isa rito sa impiyernong ito!”

Napatigil si Ernesto, tila tinamaan ang puso sa narinig.

“Gusto kong panindigan mo ako...” dagdag na pagsisinungaling ni Kristina habang nakahawak sa dibdib ng binata. “Gusto kong magalit sa akin ang Donya para wala na siyang dahilan para ikulong pa ako rito. Kung gusto mo talaga akong iligtas, huwag mo na akong iiwan dito.”

Napahawak si Ernesto sa mukha ng dalaga, puno nang matinding determinasyon. “Pangako, Kristina. Hindi ako aalis. Ipagtatanggol kita kahit ano pa ang mangyari.”

Nang tumalikod si Ernesto pabalik sa mansiyon upang harapin muli ang Donya, naiwang nakatayo si Kristina sa gitna ng bakuran. Ibinaba niya ang kanyang tingin sa nanga­ngatal niyang kamay. Naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong kailangan niyang manlinlang ng isang taong may malasakit sa kanya. Nakakaramdam man siya ng kirot sa panloloko kay Ernesto, alam niyang nabuksan na niya ang unang lamat sa pader ng mga Hacienda Valderrama, ang lamat na pala­lakihin pa niya at gagamitin nila ni Andres sa nalalapit nilang pagtakas.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with