^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-8 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Lumapit sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ang isang malapit na kakilala ng pamilya ni Azucena Victorino-Victoria para ilahad ang kinasapitan nito makaraang magkasakit ng aneurism noong May 18, 2003 at ma-comatose. Hinihiling ng mga kapatid ni Azucena sa isang petisyon sa Korte, ang terminasyon ng Guardianship ng asawa nitong si Dr. Benjamin Victoria. Si Azucena, isang retired teacher ay nagpakasal kay Benjamin noong 1990. Umuwi sila sa Pilipinas noong April 1996 sa ilalim ng Philippine Retirement Authority Program. Sa Tagaytay sila nanirahan.

Makaraang ma-coma, isang babaing caregiver na nagngangalang Shirley Elnar, 26, ang kinuha ni Dr. Victoria para mag-alaga sa asawang si Azucena. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa nasabing caregiver.

Narito ang sinumpaang salaysay ng dating caregiver na si Alma S. Rosos na nag-alaga kay Azucena mula November 12, 2004 hanggang May 28, 2005.
* * *
HALOS manliit si Alma sa nasaksihang pagtatalik nina Dr. Victoria at Shirley noong madaling araw ng December 25. Kung nagimbal siya sa mga nakita na niyang paghahalikan o paghipo ni Dr. Victoria sa maseselang bahagi ng katawan ni Shirley, lalo ang pagkagimbal niya sa nakitang dalawang hubad na nagtatalik.

Siya ang tila hiyang-hiya sa nakita. At gusto naman niyang makadama ng awa sa inaalagaang si Azucena na noon ay nasa coma at walang kamalay-malay sa ginagawa ng kanyang asawang si Benjamin at caregiver na si Shirley. Habag na habag siya kay Azucena.

Sa bahay na iyon ay may guest room at cervants quarters. Meron din namang guest bathroom at servants bathroom. Si Alma ay nasa servants quarter at ang cervants bathroom ang ginagamit. Pero si Shirley ay sa guest room natutulog at ang guest bathroom din naman ang kanyang ginagamit. At iyon ay okey lahat kay Dr. Victoria.

Minsang naliligo si Shirley sa guest bathroom ay pumasok doon si Dr. Victoria.

Madalas ding kapag nagpapahinga si Shirley sa guestroom ay pumapasok doon si Dr. Victoria.

Ang isang nakapagbigay ng takot kay Alma ay nang marinig niya kina Dr. Victoria at Shirley ang tungkol sa "mercy killing". Pinag-uusapan iyon ng dalawa at kapag nagtagumpay daw ay maaari na nilang makuha ang kayamanan ng "pesteng" si Azucena. "Peste" ang tawag ni Shirley sa naka-coma na si Azucena. Sinang-ayunan daw ni Dr. Victoria ang balak na iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALMA S

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

PERO

PHILIPPINE RETIREMENT AUTHORITY PROGRAM

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with