^

PSN Palaro

Pasaol aasahan ng FEU sa misyon

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Far Eas­tern University si reigning MVP Janrey Pasaol para ma­sikwat ang panalo kontra National University sa UAAP Season 89 men’s bas­ketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Pakay ng Tamaraws na makuha ang Final Four berth kaya asahang itotodo nila ang lakas para itaob ang Bulldogs ngayong alas-2:30 ng hapon.

Nais din ng defending champions De La Salle Uni­versity na mabingwit ang panalo laban sa Uni­ver­sity of the Philippines sa alas-6 ng gabi.

“Sinasabi ni coach (Sean Chambers) lagi sa amin, kontrolado namin ‘yung destiny namin. Mahirap ‘yung parang last year, sa ibang team naka-de­pen­de. Ngayon, nasa amin talaga. Kailangan lang tala­ga game by game,” sabi ni Pasaol.

Magkatabla sa tuktok ng standings na may parehong 9-3 kartada, hangad ng Bulldogs at Fighting Ma­roons na masungkit ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Magkasalo sa No. 3 spot ang FEU at DLSU na may magkatulad na 7-5 karta.

Subalit hindi lang sila ang may tsansa sa Final Four kundi maging ang Uni­versity of Sto. Tomas.

Nasa No. 5 spot ang Growling Tigers sakmal ang 7-6 baraha, kaya ang pag­katalo ng Tamaraws at Green Archers ay maaa­ring magresulta sa three-way tie kasama ang UST.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with