^

Police Metro

VP Sara maaaring maging ‘surprise witness’

Joy Cantos - Pang-masa

Cross exam ikakasa ng prosecution

MANILA, Philippines — Nagtalaga na ng abogado ang prosecution team ng Kamara upang i-cross examine si Vice President Sara Duterte sakaling biglang humarap sa witness stand bilang sorpresang testigo sa impeachment trial upang dpensahan sarili sa susunod na linggo.

Ito ang pinalutang ni prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua nitong Sabado kaugnay ng posibilidad matapos namang magpakilala ang defense team ng dalawang testigo lamang sa kabila ng apat na araw ang itinakdang paglilitis ng impeachment court mula Disyembre 1 hanggang 4.

“Mayroon silang surprise witness in the person of the respondent,­ the Honorable Vice President,” ani Chua sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City nitong Sabado na inilahad na isa si VP Sara sa tatlong posibilidad na mangyari.

Binigyang-diin ni Chua, Chairman ng  House Committee on Good Government and Public Accountability,­ na nakahanda ang prosekusyon sakaling magpasya si Duterte na tumestigo.

“... kung sakali naman po na uupo ang ating bise presidente bilang testigo ng defense, eh nakahanda po kami na i-cross siya. At mayroon na rin pong naka-assign na abogado sa ating bise presidente,” pahayag ni Chua.

Sa ngayon, tinukoy ng depensa sina Customs Deputy Commissioner Agaton Teodoro Uvero at Dr. Lourdes Tingson-Lebosada, dating kasosyo negosyo ng mister  ni VP Sara  na si Atty. Manases “Mans” Carpio, bilang mga susunod na testigong ihaharap sa witness stand.

Inaasahang tetestigo sina Lebosafa at Carpio tungkol sa mga usaping may kinalaman sa Cale88 Foods Corp., na iniimbestigahan sa impeachment trial.

Si VP Sara ay nililitis sa P817.87 milyong “unexplained wealth” mula sa hindi idineklarang mga ari-arian nito, pinans­yal na rekord at iba pa.
 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with