^

Police Metro

12-anyos ginahasa, pinatay sa sakal!

Joy Cantos - Pang-masa

Driver ng sinakyan trike, timbog

MANILA, Philippines —  Karumal-dumal ang sinapit ng isang 12-anyos na batang babae makaraang gahasain at patayin sa sakal ng umano’y driver ng tricycle na kanyang nasakyan sa Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Bacolod City Police Officer-in-Charge P/Capt. Francis Depasucat, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng batang babae  na walang saplot sa katawan ng isang residente na napadaan sa nasabing lugar.

Agad namang nag­responde ang Bacolod City Polic at iprinoseso ang crime scene sa madamong bahagi ng Purok Saturn Venus, Brgy. Singcang-Airport na kinatagpuan ng bangkay ng batang babae.

Narekober din sa pinangyarihan ng krimen  ang shorts at bestida ng biktima.

Base sa imbestigas­yon, ang biktima ay iniulat na nawawala simula pa noong Miyerkules, Nobyembre 25, at huli siyang nakitang sumakay sa isang tricycle na minamaneho ng suspect na kinilala sa alyas na “Herbert.”

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang nasabing tricycle driver na dinala sa himpilan ng pulisya at sa interogasyon ay inamin umano nito ang krimen.

Ayon naman sa kapitbahay ng suspect, inamin umano ng huli na pinatay niya sa sakal ang bata matapos nitong gawan ng kahalayan.

Ang labi ng biktima ay isanailalim sa awtopsya upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay at makumpirma ang pang-aabusong sekswal sa bata.

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with