Joel, binibigyan ng porsyento ang kabataang nagugutom

Tuluy-tuloy ang pagtulong ng award-winning actor na si Joel Torre sa mga batang nagugutom sa pamamagitan ng JT’s Meals For The Kids.
Partnership nila ito ng aktor sa United Nations (UN) World Food Programme kung saan lahat ng kakain sa kanyang restaurant na JT’s Manukan ay may mapupuntang percentage sa programa ng UN na nagpapakain sa mga nagugutom na batang nag-aaral sa public school.
Isa sa mga latest update ni Joel ay nang dumalo siya sa 2nd Southeast Asia Regional School Meals Coalation Summit kung saan niya nakasama si KC Concepcion.
Aniya sa kanyang post: “VERY IMPRESSIVE!!! The 2nd Southeast Asia Regional School Meals Coalition Summit 2026. The DepEd has allotted 25.6 Billion Pesos to Help Feed Schoolchildren in Public Schools. A Bill Sponsored by Sen. Bam Aquino, Libreng Pagkain sa Paaralan.
“Isang Pirma na Lang maging Batas na! Share a Meal, Nourish a Dream, Build a Future,” sabi niya sa isang post.
Kaya naman sa naganap na media conference ng 2nd Miracle in Cell No. 7, kung saan isa siya sa mga original cast, itinuturing niyang ‘miracle’ ang chance na maging bahagi ng programang ito.
“They need pa 6.6 billion pesos for school children para bigyan sila ng nutritious meals, and in my own little way I wanted to help. So I’m very, very proud of that endeavor of the favor that we are giving, and I’m using my little celebrity status para lang ma-impart. So as a writer, I hope this is a time to share and impart this idea,” sabi niya sa mga andu’ng entertainment press.
“Sen. Bam Aquino has sponsored this bill, and now it’s going to be passed as a law. So I’m very proud of it. So I hope you check on it,” banggit ni Joel Torre na kabilang sa mga preso sa 2nd Miracle...
Kamakailan lang ay nagbida rin si Joel sa series Kidnap Game kasama ang ilang Asian stars tulad ni Lee Joon-gi (Korean actor) na nagkaroon ng premiere night sa Japan na napanood sa isang streaming platform.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naghahain ang JT’s Manukan Grille ng mga inihaw na manok na minarinade sa istilong Ilonggo na isa sa pinaka-masarap sa local market.
Pagdating sa kanyang career, parang hindi kumpleto ang isang pelikula o series kung wala ang actor.
Anyway, as of this writing umabot na kaagad sa more than 10 million views ang trailer ng MMFF entry na 2nd Miracle in Cell No. 7.
This week lang inilabas ang nasabing trailer na matindi ang kurot sa puso ng kuwento ni Joselito na ginagampanan ni Aga Muhlach na isang amang magpapaiyak at magpapasaya ng puso sa mga manonood na pagpapatuloy sa kuwento ng Miracle In Cell No. 7 na nag-number 1 sa Metro Manila Film Festival noong 2019.
- Latest




















