DepEd laptops: Idi-disable kapag ibinenta o isinangla
MANILA, Philippines — Nagbabala si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na maaaring i-lock o i-disable remotely ang mga bagong pamahaging laptop para sa mga guro kung ang mga ito ay ibebenta, isasangla, o ililipat sa ibang tao nang walang pahintulot.
Binigyang-diin ni Angara ang malawakang saklaw ng computerization rollout, na isinasagawa mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027.
Mismong sina Pang.Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos at Angara ang nanguna sa paglulunsad ng nationwide distribution ng 172,654 MacBook Neo units, sa Dagupan City National High School.
Ang mga naturang laptop ay ipapamahagi sa may 169,008 guro at 3,646 administrative staff, kasama ang 62,717 Windows-based laptops.
Ani Angara, upang maiwasan ang ilegal na pagbebenta, pagsasangla at hindi otorisadong transfer o paglilipat, ang mga laptop ay nananatiling government property na ini-assigned sa pamamagitan ng official accountability records.
Ang lahat din ng units ay naka-enroll sa Mobile Device Management (MDM) system, na nagpapahintulot sa mga otoridad upang i-lock o i-disable, kahit malayuan, ang mga ninakaw, isinangla at ilegal na ipinagbiling mga laptop.
Nagbabala pa si Angara na ang lalabag dito ay mahaharap sa administrative at criminal charges.
- Latest














