^

Police Metro

Student rider, utas sa backhoe

Christina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na college student matapos na sumalpok ang minamanehong motor sa nakaparadang backhoe sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite, nitong Sabado ng madaling araw.

Ang biktimang nasawi ay kinilala sa alyas “Arren”, residente ng Brgy Bancal ng nasabing lunsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-4:00 ng madaling araw ay binabagtas ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Governors Drive.

Dahil umano may kabilisan ang takbo ay hindi nito napansin ang nakaparadang backhoe na walang nakalagay na eary warning device (EWD) kaya’t pagdating sa pakurbang kalsada  ay sumalpok ito.

Sa lakas nang pagkakasalpok nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo.

Agad itinakbo sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival.

PULISYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with