Sen. Robin, sisipot sa obstruction of justice probe sa Nobyembre 27

MANILA, Philippines —Sisiputin ni Senator Robin Padilla ang pagpapatuloy ng preliminary hearing ng kinakaharap na obstruction of justice complaint sa Department of Justice (DOJ) sa Nobyembre 27 kaugnay sa alegasyong tumulong sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato Dela Rosa.
Ito ang tiniyak ni Padilla sa panayam ng media matapos ang pagdalo nitong Biyernes, Nob. 6, sa investigation, kasama si Atty. Henry Balteza sa pagsumite nila ng 33-pahinang counter-affidavit.
Sinabi niya na nanumpa siya sa isinumiteng counter-affidavit na nagsasabing totoo at walang wala naman aniya, na maraming nagtanong sa kanya.
Kahit na magkasabay ang senate impeachment hearing o senate session sa itinakdang petsa, sinabi ay sisiputin niya ang imbestigasyon.
Kabilang sa iginiit niya na walang basehan ang reklamo dahil walang umiiral na opisyal na arrest warrant mula sa lokal na korte laban kay Dela Rosa nang umangkas sa sasakyan niya.
Matatandaang nag-ugat ang reklamo ng PNP kay Padilla sa umano’y pagtulong niya kay Dela Rosa na makaalis sa compound ng Senado noong Mayo para maiwasan ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).
- Latest














