Romualdez,naghain ng petition for bail sa Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Naghain kahapon ng petition for bail ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division.
Ayon sa ulat, inihain ng kampo ni Romualdez ang petisyon kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P7.44 bilyong kickback scheme sa mga flood control at iba pang government projects.
Si Romualdez ay nakakulong sa QC Male Dormitory sa Payatas makaraang ilipat dito mula sa isang pribadong ospital sa San Juan City makaraang ma-admit dito dahil sa mga sakit tulad ng hypertension at diabetes.
Nakatakdang magsimula sa Oktubre 12 ang pagdinig sa kanyang petition for bail, kung saan inaasahang maghahain ng ebidensya ang prosekusyon hinggil sa lakas ng kasong isinampa laban sa dating House Speaker.
Samantala, magtatagal naman hanggang Nobyembre 12 ang bail hearing ni Romualdez, kung saan inaasahang maghahain ang prosekusyon ng nasa 23 testigo, habang tatlo hanggang apat naman ang ihaharap ng depensa.
- Latest


















