Mayor Ampatuan, 11 pa pinaaaresto sa RPG ambush!
MANILA, Philippines — Inisyuhan na ng Iligan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1 ng warrant of arrest si Datu Unsay, Maguindanao del Sur Mayor Datu Andal “Xyril” Ampatuan V at 11 iba pa kaugnay ng rocket-propelled grenade (RPG) ambush noong Enero laban sa target na kalaban sa pulitika na si Shariff Aguak Mayor Datu Akmad “Mitra “ Ampatuan Sr.
Base sa report ang warrant of arrest ay base sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) noong Agosto 28, 2026 na nakitaan ng probable cause ang mga akusado sa nasabing pag-atake kung saan iniligtas ng bullet proof vehicle ang target na Mayor na kaanak pa ng nasabing mastermind na si Ampatuan V.
Samantala, bukod kay Ampatuan V kabilang pa sa mga akusado ay sina Ababang Salik alyas Babang; Edad Pendatun, alyas Haider; Aboher Guimbangan; Toraipie Lusod; Gapor Magaluyan; Mohammad Shamron Uday Sapalon kilala rin bilangTho Sapalon; Samsudin Mokamad; Saudi Guiapal; Johari Guiapall Soy Kali ; Datuben Gayon nak ilala rin bilang si Datu Ben Alib
Ang mga suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 kabilang ang Seksiyon 4 ( Terrorism ) at Section 6 (Planning, Training, Preparing, and Facilitating the Commission of Terrorism), at Seksiyon 7 (Conspiracy to Commit Terrorism).
Nabatid na ang kaso laban sa mga akusado ay base sa inihaing reklamo ni Mayor Ampatuan Sr.; kasama ang mga security escorts nitong sina Pfc Manuel Dondiego, Tips Lakman Eso at Butch Saludin.
Magugunita na noong Enero 25 ng taong ito, tinambangan ng mga armadong salarin, isa rito ay gumamit ng RPG ang convoy ni Mayor Ampatuan V na ikinasugat ng dalawa nitong security escort sa Shariff Aguak.
- Latest























