^

Police Metro

5 estudyante nag-cutting classes, patay sa outing!

Pang-masa
5 estudyante nag-cutting classes, patay sa outing!
Zamboanga City Map.
Google Map

MANILA, Philippines — Limang high school students ang patay nang tangayin ng rumaragasang flashflood nang umano’y magcutting classes at palihim na mag-outing kasama ang iba pang mga kaklase sa ilog sa bayan ng Roseller T. Lim sa Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat nitong Sabado.

Kinumpirma kahapon ng mga local executives at opisyales ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa mga mamamahayag kahapon ang pagkasawi ng limang magkakaklase na sina Dave Cahilig, Jia Fernandez, Hannah Karanain, Kizzy Aganon at Myka Baynosa; pawang Grade 11 students ng Surabay National High School.

Ang mga bangkay ng mga biktima ay magkakasunod na natagpuan sa isang bahagi ng ilog, na malayo sa lugar kung saan sila huling nakita ng mga residente na naliligo sa ilog.

Sa ulat ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon nitong Huwebes sa Purok Santan, Brgy. New Antique, ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nagkatuwaang maligo sa ilog ang grupo ng mga estud­yante nang hindi ipinaa­laam sa kanilang pamilya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na biglang tumaas ang tubig matapos na rumagasa ang flashflood galing sa bundok na bu­magsak sa nasabing ilog.

Dahil dito, mabilis na tinangay ng tubig-baha ang mga estudyante at makalipas ang ilang oras ay unang narekober ang bangkay ni Cahilig.

Nasagip naman ng emergency response team at mga personnel Bureau of Fire Protection at the RT Lim Municipal Police Station ang anim sa mga estudyante na sina Wendell Cabucos, Rodel Boguillon, James Empas, Jonry Talledo, Reymark Dacuba at Jannisher Salipmuksin.

Nilamon naman ng tubig baha ang apat pang estudyante at kalaunan ay magkakasunod na natagpuan ng mga rescuers ang kanilang mga bangkay.

Ayon sa mga usapan at texts messages na kumalat, lumalabas na nagkasundo ang mga magkakaklase sa mag-cut ng kanilang klase para mag-outing sa nasabing ilog na nauwi sa malagim na trahedya nang masawi ang lima sa kanila.

MYKA

PPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with