PJ Simon nag-collapse sa isang laro, patay!

MANILA, Philippines — Pumanaw ang dating PBA legend na si Peter June “PJ” Simon noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 20, sa edad na 46.
Nakaranas si Simon ng hirap sa paghinga at biglang bumagsak habang naglalaro sa isang lokal na 40-and-above basketball league sa Davao City.
Iniulat na atake sa puso (heart attack) ang naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Agad siyang dinala ng kanyang mga kasamahan sa isang ambulansya at isinugod sa San Pedro Hospital sa Davao City, ngunit binawian din ng
buhay.
Nasa isang punerarya na sa Davao City ang kanyang mga labi. Wala pang opisyal na anunsyo ang pamilya Simon tungkol sa detalye ng kanyang burol o kung iuuwi siya sa kanyang hometown sa Makilala, North Cotabato.
Kilala bilang “The Scoring Apostle” at “Super Sub,” ginugol ni Simon ang kanyang buong 16-year PBA career sa prangkisa ng Purefoods/Magnolia. Nakapag-uwi siya ng walong PBA championships, kabilang ang makasaysayang Grand Slam noong 2013–2014.
Samantala, bumuhos ang pagpupugay mula sa Philippine basketball community para kay Simon matapos ang kanyang biglaang pagpanaw
kamakalawa ng gabi sa Davao City.
Nanguna sa pagbibigay ng tribute kay Simon ang PBA, Magnolia Hotshots na dati niyang koponan, mga dating coaches na sina Tim Cone at Chito Victolero pati ang mga matalik niyang kaibigan at dating teammates na sina Marc Pingris at James Yap. “Nag-iisa lang ang isang Peter June Simon. We will remember every moment, because you made each one unforgettable.
To PJ’s family and loved ones, we’re holding you close in our hearts. Maraming salamat sa lahat, PJ,” pahayag ng Hotshots matapos ang biglaang pagkahimatay ni Simon sa isang liga sa Davao City. “Let us keep PJ in our prayers as we ask for the eternal repose of his soul. May God wrap his loved ones, friends, most specially his young family in strength, comfort, peace, and loving care during this difficult time. Rest in peace, PJ,” dagdag ng PBA. Tubong Makilala, Cotabato, isa si Simon sa pinakamaalamat na late-round draftees sa PBA matapos umukit ng pangalan at kasaysayan bilang No. 43 pick noong 2001 draft.
- Latest





















