Setyembre 25, 2026
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Pag-aralan ng mabuti ang gagawin para hindi mabigo. Walang masama kung titiyakin na magtatagumpay bago simulan ang paggawa. Pag-ibig ang magbibigay ng kaguluhan sa isip, kaya iisantabi muna. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 36, 42 at neon green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Hawak mo ang susi ng tagumpay. Nasa sa iyo ang paraan ng pagbukas. Kumilos ka kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 34, 39 at lavender.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Dahil sa iyong kabutihan at kabaitan, makakasagupa ang taong mapagsamantala. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 32, at avocado green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat dahil ang naiinggit ay may gagawin. Magmatyag, magmasid at mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 24, 32 at avocado green.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Kung hindi nakakatiyak, huwag sumugod dahil kapalpakan ang kahahantungan. Tiyakin ang seguridad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 40, 44 at indigo.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Malakas ang hatak ng batobalani, na bagay gamitin sa pagkumbinsi kahit na sa mahirap kausap. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 34, 39 at pink.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Matutupad ang matagal mo nang gustong mangyari. May pipitasin kang bunga ng iyong pagsisikap. Lucky numbers at co-lor for the day ang 12, 13, 37, 40 at peach.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Lingunin ang iyong mga pinagdaanan dahil dito makikita ang kasagutan sa iyong kasalukuyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 18, 23 at red.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Mali ang iyong na-kagawian na pamamalakad sa mga gastusin. Simulan ang tamang accounting. Lucky numbers at co-lor for the day ang 12, 13, 24, 31 at purple.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung hindi mo iiwanan ang kasaluku-yang bisyo ng pagsusugal, ito ang magpapabagsak sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 33, 37 at yellow.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Walang magandang kahihinatnan ang magpadalos-dalos. Habaan ang pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 30, 40 at jade green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Simulan ang mga binabalak dahil may mapapala. Huwag ipagpabukas ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at co-lor for the day ang 13, 17, 22, 35 at sky blue.
- Latest





















