Dino, gustong mag-sorry kay Kim

Isa ang tambalan nina Kim delos Santos at Dino Guevarra sa mga pinakasikat mula noong dekada ‘90s.
Maraming proyekto ang nagawa ng dalawa na talaga namang kinakiligan ng mga tagahanga. Naramdaman lamang umano ng aktor na lumamlam ang kanyang karera noon dahil sa ilang mga kontrobersiya. “No’ng nalaman that I had kids from another woman dati. Do’n nagsimula dahan-dahan na nabawasan ‘yung show. Nalaman din yata ng tao na nagli-live in na kami ni Kim, so ‘yon din, nakaapekto ‘yon,” pagtatapat sa amin ni Dino sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mula sa pagiging magkapareha ay naging magkasintahan at tuluyang nagpakasal sa tunay sina Kim at Dino noon. Labingpitong taong gulang pa lamang daw ang aktor nang magkaanak sa ibang babae. “From reel to real, yes. Prior to Kim, I had two kids. I think she accepted it kasi tumagal naman kami. Ako talaga ang may kasalanan (kaya kami nagkahiwalay). I’ve been telling that to a lot of people. I admit that I was wrong, it was a third party. Until now, it’s still there that I do not understand to be exact. I’m 47 years old, now I’m very happy with Karen (Gabriel),” nakangiting pahayag ng aktor.
Marami nang nagbago sa pagkatao ni Dino dahil na rin sa kanyang mga naranasan sa mga nakalipas na dekada. Mula sa isang pagiging aktor ay nagtrabaho si Dino sa isang real estate company. “Actually, Tito Boy, wala nang hindi nagbabago sa akin. I think lahat nagbago sa akin, as a person, nagma-mature. Dapat talaga mag-change eh. Hindi ka dapat maiwan sa luma. Dati kasi, to be honest, I was very materialistic. Mayabang in a way. It happened to me. Baka ngayon ko lang ina-admit, but now, I’m completely the opposite of that. Difficult ‘yung before ako maging employee, I was a real estate seller. Sa Japan, I travelled a lot of countries, mga 12 countries ang hawak ko. Namimigay ako ng flyers, naghahanap ako ng OFW na bebentahan dati. Tapos eventually, almost two decades in real estate industry. Then Moldex came and siguro nakitaan nila ako (ng potensyal). Ang dami kong natutunan sa kanila. Every day is a learning experience. That’s why I’m in this business as well. I do like to talk to people, Tito Boy. Talking to people, I learned a lot of things. I believe it has shaped me to be who I am today,” makahulugang pagdedetalye niya.
Matatandaang nabanggit ni Kim sa aming huling panayam na taong 2004 pa umano nang huli silang magkausap ni Dino. Mayroon namang mensahe ngayon si Dino para aktres na sa Amerika na nakabase ngayon. “Una, I want to apologize again. Paulit-ulit kong sasabihin ‘yon. First time, kapag nagkita kami ni Kim, I want to say I’m sorry. I only want what’s best for you, all the things that fly fast to offer. Sana mas gumanda pa ang buhay mo. You wish for the best. Kasi, Tito Boy, it’s my fault at the end of the day. I have no right para magmayabang,” nakangiting pagtatapos ni Dino. — Reports from JCC
- Latest




















