Star Magical Christmas 2026, may botohang magaganap
Handang-handa na ang Paskong Pinoy ngayong taon na handog ng Star Magical Christmas 2026: Liwanag ng Pasko, na mapapanood online sa buong mundo sa Nobyembre 26 (Huwebes) ng 6 p.m sa Star Magic YouTube channel at iWant.
Ilan sa mga Kapamilya artists na makikisaya ay sina Janine Gutierrez with Jericho Rosales, Lovi Poe, Belle Mariano, Joshua Garcia, Maris Racal, Donny Pangilinan, BINI, Jessy Mendiola with Luis Manzano, JM Ibarra, Fyang Smith, Gerald Anderson, Francine Diaz, Seth Fedelin, Alexa Ilacad, at BGYO.
This time maaaring iboto ng fans ang kanilang bet na Star Magic artists sa pamamagitan ng YouTube SuperChat sa limang kategorya ng Liwanag ng Pasko Awards: Brightest Star ng Pasko (male) na nominado sina Seth Fedelin, JM Ibarra, Emilio Daez, Brent Manalo, Ralph de Leon at River Joseph; Brightest Star ng Pasko (female) na nominado sina Belle Mariano, Francine Diaz, Bianca de Vera at Fyang Smith.
Kabilang din sa mga kategorya ang Mr. Bright Star on the Rise na nominado sina Jarren Garcia, Joaquin Arce, Miguel Vergara, Fred Moser, Iñigo Jose, Rave Victoria, Lance Jeremy at Bryce Eusebio; Ms. Bright Star on the Rise na nominado sina Carmelle, Kai Montinola, Lella Ford, Krystal Mejes at Eliza Borromeo.
Ramdam ang tamis ng kilig sa fan-favorite pairs para sa Brightest Hearts voting category kung saan nominado sina LelQuin at LizGuel.
Para bumoto, bisitahin ang Star Magic YouTube channel at pindutin ang Star Magical Christmas 2026 Liwanag ng Pasko Awards voting livestream. I-click ang SuperChat, piliin ang preferred amount, ilagay ang pangalan ng iboboto na artist, at i-click ang buy and send para makumpleto ang boto.
Maaari nang bumoto ang fans simula Nobyembre 19 ng 6 p.m. hanggang Nobyembre 26, 8 p.m.
Iba na ngayon ang fans, talagang gumagastos na kaya asahang magiging active sila sa pagboto ng kanilang mga idolo sa iba’t ibang kategorya.
- Latest



















