KayaFlix, consistent sa misyon

Lumalakas na ang KayaFlix, isang Pilipinong startup streaming platform na nakatuon sa vertical, mobile-first storytelling, na nagkaroon ng grand launch nito lang nakaraang August.
Itinatampok ng platform ang mga Pinoy original series na partikular na ginawa para mapanood sa mga smartphone.
Kabilang sa lineup nito sina Sky Quizon, Migs Almendras, EJ Jallorina at Mara Caparas, kasama si Maki Javier bilang creative at managing director.
Nilikha ang KayaFlix upang magbigay ng digital platform para sa mga kuwentong Pilipino habang nag-aalok ng mga pagkakataon sa mga umuusbong na manunulat, direktor, aktor at filmmaker.
Ang subscription ng platform ay from P199.
Nauna nang sinabi ni Direk Maki na ang pagbabago sa teknolohiya sa panonood ay hindi dapat kapalit ng pagkukuwento ng mga Pilipino.
“Patuloy na binabago ng teknolohiya ang paraan ng ating panonood, ngunit hindi nito dapat baguhin ang puso ng pagkukuwento ng mga Pilipino,” aniya. “Ang aming layunin ay pangalagaan iyan habang inihaharap ito sa isang format na natural na tinatanggap ng mga manonood ngayon.”
Anyway, last week nga ay nag-sponsor ng special preview ng pelikulang Buddy ang KayaFlix na dinaluhan nina Michael de Mesa, Elijah Canlas, EA Guzman and Shaira Diaz. Sumuporta rin si Paolo Contis.
- Latest




















