^

PSN Showbiz

KCFI, may virtual fundraising run

Pilipino Star Ngayon
KCFI, may virtual fundraising run

Masmagiging makabuluhan ang fitness journey ngayong Nobyembre sa KaRUNungan 2026: Bawat hakbang, para sa bata, isang virtual fundraising run ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI). Ito ay magbibigay-daan upang mas marami pang paaralan at mag-aaral sa buong bansa ang makinabang sa de-kalidad na educational video resources.

Maaaring pumili sa 5K, 10K, o 21K challenge at kumpletuhin ang napiling distansya sa isang araw o unti-unting ipunin ang mga kilometrong iyong tatakbuhin sa buong buwan ng Nobyembre (1–30), sa oras at lugar na pinakaangkop sa iyo.

Para makasali, alamin ang race instructions at mag-register sa knowledgechannel.org/karunungan2026 hanggang Nobyembre 15. Ang registration fee ay P650.

Muling binubuhay ng KaRUNungan ang adhikaing pag-isahin ang mga indibidwal at komunidad sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at pagpapalawak ng oportunidad sa pagkatuto para sa bawat batang Pilipino.

Unang inilunsad noong 2004 bilang Lakad Mo, Pangarap Ko, ang kampanya ay nilahukan ng mahigit 8,000 indibidwal at nakalikom ng ?5.8 milyon bilang suporta sa edukasyon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with