Gary V’s Finale at the Museum
Natapos na ni Sir Gary Valenciano ang kanyang 10 shows noong October sa Music Museum para sa kanyang Back at the Museum concert series at napaka-swerte ko na mapanuod ang finale. (thank you kina Chuck Gomez at Ms Angeli ha!)
Habang pinapapasok ang mga tao sa venue, (siempre sold out ha!) tumutugtog ang mga kanta ni Sir Martin Nievera.
Aakalain mong nagkamali ang production, pero yun pala talaga ang trip ng anak ni Sir Gary at direktor ng concert na si Paolo Valenciano.
Kapag concert ni Martin ang dinidirek nya, songs ni Gary ang tugtog bago magsimula ang show at vice versa. (bilang magkaibigan naman sila kahit magkatapat noon!)
Si Kakie Pangilinan ang naging front act. Inawit nya ang kanyang mgacompositions at ang version nya ng Mr.DJ ng kanyang Megastar Mom na si Sharon Cuneta. (may version din kaya sya ng “balutin mo ako….ng..”)
Iba talaga si Mr.Pure Energy, opening palang, humahataw na.
Maganda ang konsepto ng show. May dalawang LED screens sa stage, ipinapakita ang lumang performance ni Gary V. sa Music Museum, at yun ang pineperform nya nang live. (actual footage ha! hindi AI!)
Tatlong Oras ang buong show. Wala syang guest.
Hindi sya nagpahinga. (pero may pang monitor sya ng blood sugar, na nag aalarm !) Hindi nagbago ang tatak ng isang Gary V sa performance. Tumotodo pa rin.
May mga ibang segments na susunod sunod ang dance music. (walang tatalo sa Shout for Joy!)
Tumatagos sa Puso. (may mga teary eyed sa audience ha! ako nga akala ko mag-breakdown sa Take me Out of the Dark!)
Nagperform din sila ni Direk Paolo. Inulit nila ‘yung kanilang duet many years ago sa Music Museum. (rakista si Direk!)
Nagbigay din si Gary ng tribute sa kanyang mga namayapang magulang at sa mga naging katrabaho nya sa kanyang mga concerts at career na namaalam na. (touching ito!)
Bilang hindi nya makakanta ang lahat ng songs nya, (sa dami ba naman nun!) nagkaroon sya ng By Request segment, kung saan nagrequest ang audience ng mga kanta nya. (na dapat maigsi lang pero kinarir na rin nya ang bawat request!)
Kahit ilang beses ko nang napanuod si Sir Gary, namamangha pa rin ako sa galing nya. Sa loob ng 43 years nya sa showbiz at mahigit sa 100 shows na nagawa sa Music Museum (113 ata! Di pa kasama ibang venues ha!), walang pa rin kakupas kupas, Truly Iconic! (tuloy tuloy lang ang paghataw Sir Gary! We Love you!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest























