Showtime host, may hinahanap na rider

May hinahanap na rider ang isa sa mga host ng It’s Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang post sa social media. Ito raw ‘yung bumangga sa kanyang sasakyan at tumakas habang nagmamaneho siya sa Antipolo.
Ipinost nga ni Cianne ang mga video clip ng insidente na nakuha ng dash cam na nakakabit sa kanyang sasakyan sa kanyang Facebook page noong Lunes.
Makikita ngang bumagal ang takbo ng sasakyan niya upang pagbigyang makatawid ang isang tricycle nang biglang bumangga sa likuran nito ang isang motorsiklong may pasahero, bago sila tumakas mula sa lugar ng pangyayari.
Idinagdag ng sexy TV host na kasama niya sa sasakyan ang dalawang batang kapamilya nang mangyari ang insidente.
- Latest






















