Mass report ni Vice sa MTRCB, may ‘prime suspect’

Habang sinusulat namin ito ay wala pang update kung humarap si Vice Ganda kahapon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ipinapatawag siya dahil nga sa isyu ng racism at ‘lugaw’ scene na ang insinuation daw ay ‘human milk’ sa kanila ng karelasyong si Ion Perez.
Pero may ‘prime suspect’ diumano ang followers ni Vice kung sino ang nag-mass report sa MTRCB kaya ito ipinatawag. Fandom din daw ito.
Sinabi nga ng MTRCB na nakatanggap sila ng maraming reklamo tungkol sa episode ng It’s Showtime noong July 24, 2026.
Kaya kinakailangan itong aksyunan ng nasabing ahensiya ng pamahalaan na pinamumunuan ni Chair Lala Sotto.
Sa isang dalawang pahinang notice to appear, sinabi ng ahensya na nakatanggap sila ng maraming reklamo mula sa televiewers tungkol sa mga ikinilos ng TV host at komedyante sa nasabing episode.
- Latest





















