^

PSN Showbiz

Jeric walang paki, pumapatol sa may edad at bading?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jeric walang paki, pumapatol sa may edad at bading?!
Jeric Gonzales
STAR/ File

Hindi man active si Rabiya Mateo sa pag-aartista dahil nag-aaral na ito ng Medicine, updated pa rin siya sa social media, lalo na sa masaya niyang lovelife.

Ang saya nila ni Jake Cuenca sa mga ipino-post nito sa Instagram. “Happy looks good on us,” post ni Rabiya sa kanyang Instagram account.

Hindi tuloy nakaligtas ang ex-boyfriend ni Rabiya na si Jeric Gonzales nang humarap ito sa story confe­rence ng pelikulang gagawin niya.

Safe lang naman ang sagot ni Jeric nang tinanong siya na si Jake na ang boyfriend ngayon ng dating nobya. “Masaya ako sa kanya. Nakahanap siya ng makakasama and I heard, magte-take siyang Med. So, I’m happy for her,” mahinahong sagot ni Jeric sa isang interview.

Single raw ngayon si Jeric, pero may naririnig kami kung sino ang nali-link sa kanya. May nagpakita sa akin ng video na kasama niya ang isang babaeng mukhang older sa kanya. Parang nagpo-propose siya sa babaeng ‘yun. Ewan ko kung drama-dramahan lang o prank.

Pero sabi ng aking source, ito raw ang babaeng nali-link daw sa kanya ngayon. Ipagpo-produce raw ang actor ng pelikula.

Ito kaya ang producer ng bagong pelikulang gagawin niya? Wala namang kumpirmasyon kung sila na ba talaga nitong babaeng kasama niya sa video.

Sa ngayon ay mukhang wala nang pakialam si Jeric kung kanino pa siya ili-link. Kesehodang sa matrona man ito o sa bading.

Beaver, dumaan sa pang-atletang training!

Talagang sineseryoso ng baguhang singer/actor na si Beaver Magtalas ang training niya sa pagsasayaw at pagkanta sa ilalim ng Star Hunt. Mahigit isang taon na raw silang nagte-traning mula Lunes hanggang Biyernes. At hindi raw biro ang pinagdaraanan nila. “Wala po akong na-experience na ganu’ng klaseng training in my entire life. Iba po talaga siya,” pakli ni Beaver nang binisita namin siya sa set ng Cinemalaya film na Kaka Sa Yawan, na kinukunan pa sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

“Our coach call it sometimes na athlete training?” napangiti niyang tugon sa amin.

“Hindi lang po siya talaga sa dancing. Hindi lang po na kailangan magaling kang sumayaw. Hindi po siya kailangan na dapat magaling kang kumanta.

“Andun din po ‘yung physical aspect na kaila­ngang physically fit ka to train. Kailangan magaan ang katawan mo. So, from working out…

“Kasi, linya po ni Coach Mickey, choose the excellence. Kasi excellence is a choice. Hindi siya mangyayari in one week. Hindi siya mangyayari in a couple of days, it happens by building habits.

“So, ‘yung habits po na na-build ko from waking up early, kahit po pagod ako. Like, kahit po pagod ako, puyat, pero I still have to wake up early in the morning to do this and being able to perform 100 percent, naa-apply ko po siya dito,” dagdag niyang pahayag.

Since, Monday to Friday ang training niya, Sabado at Linggo lang siya puwedeng mag-shoot para sa Cinemalaya film na ito na sinulat at dinirek ni Alpha Habon.

Kaya pagakatapos ng training niya sa Biyernes, bumibiyahe siya agad pa-Oriental Mindoro para mag-shooting. “For the past three weeks po, bumibiyahe ako dito after training. Every weekend po nagso-shoot ako dito. That was really challenging,” sabi pa ni Beaver.

Nae-enjoy niya ang araw-araw na pagsasayaw at pagkanta. Kaya bago na naman daw sa kanya itong pag-arte, tapos sa Cinemalaya pa. “Andun din po ‘yung pressure of course na after that year na hindi nakapag-acting, Cinemalaya bigla ‘yung papasukin mo na project.

“Andun nga po ‘yung pressure of ‘kaya ko nga ba ‘tong gampanan.’ Like what I said, may tiwala po ako kay Direk. May tiwala po ako kay Coach, and at the same time, nagtitiwala ako sa sarili ko na kaya po ‘to. That’s why I’m here na despite ng mga pinagdadaanan so far,” saad ni Beaver Magtalas.

Ngayon ay todo promo na si Beaver, kasama ang buong cast ng Kaka Sa Yawan, dahil sa Aug. 6 na magsisimula ang Cinemalaya 2026.

 

JERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with