Rita Daniela, kuripot sumagot

Ayaw nang mag-comment ng dating Kapuso singer-actress now Viva Artist na si Rita Daniela tungkol sa actor na si Archie Alemania matapos siyang mabigyan ng hustisya ng korte na may kinalaman sa demanda niya sa ginawang pambabastos sa kanya ng actor.
Sandali naming nakakuwentuhan ang apo ng yumaong komedyanteng si Teroy de Guzman nang ito’y dumating sa Port Bar ng Hilton Manila in Newport World Resorts para sa upcoming tribute concert sa isa sa great songwriters ng Pilipinas na si George Canseco.
Hindi rin siya nagkomento kung may komunikasyon pa ba sila ng kanyang dating ka-loveteam sa GMA, ang singer-actor at entrepreneur na si Ken Chan. Kaya kinumusta na lamang namin ang kanyang three-year-old na si Uno maging ang kanyang present boyfriend, ang basketball player na si McLaude Guadaña.
Since matipid ang mga sagot sa amin ni Rita, ibinaling na lamang namin ang aming attention sa malapit nang ikasal, ang actress-host na si Phoebe Walker.
Tuloy na tuloy na ang kasal nila ng kanyang fiancé, ang radio DJ-host na si Rico Robles at ito’y nakatakdang mangyari sa darating na June 7, 2026 sa Shangri-La Boracay.
Mixed reaction ang nararamdaman ngayon ng Viva actress habang papalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib ni Rico, her boyfriend of almost four years.
The engaged couple got engaged nung July 10, 2025. Kamakailan lamang ay lumipad patungong Hong Kong ang dalawa for their prenup shoot. May significance kay Phoebe ang Hong Kong dahil doon siya ipinanganak at lumaki.
Ang kaibigan ni Phoebe, ang dating Viva Hot Babes member, singer-actress na si Sheree Bautista ang tatayong Flower Girl sa kanilang wedding ni Rico dahil sa koneksyon nito sa awiting Bulaklak, ang awiting pinasikat noon ng Viva Hot Babes.
Kasama ang kilalang negosyante at dating politician na si Chavit Singson sa mga tatayong ninong sa kasal nina Phoebe at Rico.
Bukod sa beach wedding in Boracay, may nakatakda pang wedding ceremony in Los Angeles, California, USA kung saan naka-base ang pamilya ni Rico.
Mga sinulat na kanta ni George Canseco, bubuhayin sa concert
Hindi na gaanong kilala ng present generation ang namayapang Filipino great composer and songwriter na si George Canseco na siyang nag-compose ng napakaraming classic hit songs nina Pilita Corrales, Basil Valdez, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padila, Dulce, Raymond Lauchengco, Sharon Cuneta, Tillie Moreno, Leah Navarro at iba pa.
Sa darating na June 13, 2026 at 8 p.m., isang kakaibang tribute sa mga awiting pinasikat na awitin ni Canseco ang matutunghayan sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts in Pasay City sa pamamagitan ng Ngayon at Kailanman: The Music of George Canseco na pangungunahan mismo ng music icons na sina Basil Valdez at Kuh Ledesma kasama sina Lea Navarro, Anthony Castelo, Leah Navarro at tatlo sa new generation artists na sina Mark Bautista, Jona at Rita Daniela. Ang isa pang mahusay na songwriter at musical genius na si Louie Ocampo ang tatayong musical director habang si Frank Mamaril naman ang over-all concert director.
Sa rami ng kilalang artists ang nag-interpret at nagpasikat ng mga awiting kinompos ni Canseco, sayang nga lamang at hindi sila available sa petsang June 13. Wala na ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na siyang nagpasikat ng awiting Kapantay ay Langit which was first recorded ni Amapola sa bakuran ng Vicor Music Corporation. Bukod kina Basil at Kuh, nariyan sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Raymond Lauchengco, Boy Mondragon, nasa Amerika si Tillie Moreno habang naka-base na sa Cebu si Dona Cruz who revived Boy Mondragon’s Rain.
Ang iba pang mga awitin ni Canseco were also re-recorded nina Nora Aunor, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez at iba pang known artists.
Kasama sa classic hit songs na kinompos ni Canseco ay ang Ngayon at Kailanman, Gaano Kadalas ang Minsan, Muling Buksan ang Puso, Kapantay ay Langit, Dito Ba?, Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggang, Kailangan Kita, Kung Ako’y Iiwan Mo, Paano Kita Mapapasalamatan, Ako ang Nagwagi, Ako ang Nasawi, Ako ay Pilipino, Hiram, Sana Bukas Pa ang Kahapon, Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan at napakarami pang iba.
Ang Ngayon at Kailanman: The Music of George Canseco ay produced ng Viva Live.
- Latest





















