Jake, paaaralin si Rabiya ng medisina?!

MANILA, Philippines — Totoo kayang nag-volunteer si Jake Cuenca na siya na ang magpapaaral ng medisina sa GF niya ngayong si Rabiya Mateo?
Talagang hindi na raw magso-showbiz si Rabiya, nakapasa na raw ito sa entrance examination sa isang prominenteng unibersidad sa Maynila.
Ito ay matapos maintriga sina Jake at Rabiya. Iniisyuhan daw kasi si Rabiya na katulad din ito ng ex ng actor.
Kaya raw kinausap nang seryosohan si Rabiya ng pamilya ng actor.
At todo tanggi raw si Rabiya dahil wala naman siyang record na ganun.
But anyway, naayos naman daw ang lahat at going strong talaga ang relasyon nina Jake and Rabiya.
- Latest



















