Ang tandem nina Katrina at Katie
Aminado ang aktres na si Katrina Halili na medyo matumal na ang trabaho ngayon sa showbiz. (kahit ata tumambling tumbling pa!)
“Meron naman akong trabaho pero hindi ako palaging may taping ‘di tulad dati na 3 to 5 times a week, wala ako sa bahay. Pero thankful naman ako kasi nagkaroon ako ng time sa anak ko,” paglalahad ni Katrina. (laban lang para sa ekonomiya!)
Nagpapasalamat na lang sya na may maliit syang negosyo at may social media na pwedeng maging source of income. Sa ngayon, aktibo syang mag-upload ng bonding moments nila ng kanyang anak na si Katie. (na laging may special participation ang ex nyang si Kris Lawrence ha!)
“Nag-open ‘yung social media sa aming da-
lawa. Nagko-content content kami, nagkakaroon kami ng trabaho dahil sa mga vlogs namin. So, nakakatuwa po. May mga brands na pumapasok sa amin. In-open sa amin ito ni Lord. Nabubuhay kami sa kaka-bonding namin, kaya nakakatuwa. Maraming nakaka-relate na nanay na kailangan talagang bigyan ng time ang anak. Binigay sa akin ito ni Lord na nasa bahay lang ako at magkasama kami ng anak ko,” pagbabahagi ni Katrina. (pwede ko ba maka-bonding si Papa Kris mo?!)
Naloka lang sya isang araw nang makatanggap siya ng video call mula kay celebrity jeweler Charo Cordial ng Maddox Jewelry na nasa shop nito ang anak na si Katie. Ayon sa kasama nitong yaya, umalis sila para bumili ng accessories na gagamitin sa school, nang makita ni Katie ang shop. Dito na raw ito nagyaya, at tumingin ng mga kwintas. ( na may diamonds ha!) Napa-fly si Katrina at dito na sila nagka-chikahan ni Charo tungkol sa buhay nya sa showbiz noon at ngayon. (maritesan moment na!) “Nag-show ako sa Saranggani isang araw. Nalaman ko na kinuha nila ako because of Katie. Tapos nang tinanong ko ‘yung audience, meron ba tayong mga My Loves dito kasi My loves ang tawag ko. Ang daming sumigaw. Ang daming fans ni Katie. Sabi ko, thank you Lord. Nagpapasalamat ako sa anak ko na may trabaho ako ngayon at naalala n’yo ako. Si Katie na ang bumubuhay sa akin ngayon. Ako lang ang manager,” pagbabahagi ni Katrina. (pwede po bang magpa-manage sa’yo?!)
Nang mapunta na ang usapan sa love life. May ibinulong si Katrina kay Charo, sabay sabing. “Masaya ang puso ko ngayon. Meron. Sikreto natin ‘yun.” (dahil dyan, ask natin si Katie kung sino!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest




















