Matty, bida na sa Jesus Christ Superstar

It was only nung Sept. 24, 2025 nang masungkit ng Fil-Am singer-songwriter na si Jessica Sanchez ang pagiging grand winner ng 20th season ng America’s Got Talent.
At namumurong maiuwi rin ng Filipino singer and theater actor na si Matty Juniosa ang pagiging grand champion ng Britain’s Got Talent 2026 matapos itong mabigyan ng magkasunod na Golden Buzzer ng dalawa sa judges na sina Simon Cowell at Amanda Holden, which automatically sent him una sa semi-finals at pangalawa sa grand finals.
A self-confessed gay at bahagi ng LGBTQIA+ community, ang 27-year-old na si Matty ay produkto ng isang broken family, nangako siyang pagbubutihin niya ang kanyang pagkanta para matulungan at masuportahan niya ang kanyang ina.
Lumaki sa Mandaluyong City, una siyang nag-audition sa The Voice of the Philippines Season 2 pero hindi siya nakapasok. Sa halip na mawalan ng pag-asa, nag-audition din siya sa Idol Philippines: Season 1 pero umabot lamang sa Top 12 at siya’y na-eliminate.
Naging bahagi rin siya sa trio na iDolls na kinabibilangan din ng dalawa sa kanyang mga dating kasamahan sa Idol Philippines na sina Lucas Garcia at Enzo Almario. Nakapag-release rin sila ng original songs at kasama na rito ang Kapangyarihan. Sumali rin ang iDolls sa Your Face Sounds Familiar at sila ang nanalo sa Week 7. Nag-transform ang tatlo bilang sina Bryan Adams, Rod Stewart at Sting at kinanta nila ang All for Love.
Tatlong taon ding tumagal ang iDolls na maagang na-disband nang magdesisyon si Matty na makipagsapalaran sa United Kingdom at ipagpatuloy ang pag-aaral ng Musical Theater sa Royal Conservatoire in Scotland na kanyang binabalanse sa pamamagitan ng pagiging part-time waiter at estudyante. Tatlong taon na rin siyang naninirahan sa Glasgow. Nagsimula na ang kanilang career bilang theater actor nung isang taon nang siya’y maging bahagi ng cast ng Oscar at the Crown. Ginampanan din niya ang papel na Lola sa Kinky Boots at Clopin sa The Hunchback of Notre Dame. Nakapagtanghal din siya sa Edinburgh Festival Fringe nung 2024. Naging bahagi rin siya sa musical na Ne Zha portraying the role of Muzha. Ang kanyang pinakabagong play ay ang classic rock opera sa West End, ang Jesus Christ Superstar na gaganapin sa London Palladium simula sa June 20 hanggang Sept. 5, 2026. Dito ay ginagampanan niya ang papel na Annas.
Nung bata pa si Matty ay naging avid fan umano siya ng One Direction.
Ang nakakatuwa lamang ay ang patuloy na pag-shine ng mga Pinoy sa global stage laluna sa larangan ng musika na sinimulan in 1989 ng Broadway Diva na si Lea Salonga nang kanyang gampanan ang papel na Kim sa Miss Saigon na kanyang sinimulan sa West End in London na sinundan ng Broadway in New York.
Martin, anim na taon nang walang karelasyon
Sa edad na 33, wala pa umano sa immediate plans ni Martin del Rosario ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya dahil naka-focus ang kanyang attention sa kanyang career. Katunayan, loveless umano siya for almost six years now. Pero hindi umano ito nangangahulugan na wala siyang planong bumuo ng sarili niyang pamilya.
Dahil din sa kanyang career ay pansamantalang tumigil ang actor sa kanyang pag-aaral ng Broadcast Communication sa UP kung saan nasa 3rd year college na siya. Pero ipinangako niya sa kanyang sarili na tatapusin umano niya ito anuman ang mangyari.
- Latest




















