^

PSN Showbiz

Model/actress na nabuntis, pakakasalan na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang latest na nasagap namin sa napabalitang buntis na si model/actress, nakatakda na pala silang magpakasal ng kilalang male personality na nakabuntis sa kanya.

Nagkausap na raw ang kani-kanilang pamilya at maluwag naman daw nila itong tinanggap.

May narinig daw ang isang kilala ko na itiniwalag na ito sa kanilang simbahan. Pero ang sabi ng reliable source na napagtanungan namin, maayos naman daw ito sa simbahan nila at tatanggapin sila uli basta magpakasal lang.

Kaya inaayos na raw ang kasal, na malamang hindi na nila ito ia-announce sa publiko. Parehong kilala ang magkasintahan, lalo na si male personality na magaling sa larangang kinabibilangan nito.

Kilala rin ang kuya ni model/actress na sobrang nagulat daw nung nalaman niya ang kalagayan ng nakakabatang kapatid. Pero ngayon ay okay na raw at tanggap na nilang lahat.

Maaaring maiiba na ang tatahaking buhay ni model actress dahil magiging ina na siya.

Marami pa namang nagkukumbinse sa kanyang pasukin nito ang beauty competition. Ewan ko kung itutuloy pa rin niya ito.

Alden, natupad ang pangarap kay Boyet

Sisimulan na ni Alden ­Richards ang bagong drama series na gagawin niya sa GMA 7. Nagkaroon ng story conference noong Martes na ginanap sa GMA 7 at doon na-finalize na gagawin niya itong Code Gray.

Mala-The Good Doctor din kaya ito na gagawin ng TV5? Ibang-iba raw ito sabi ng nasa production staff, at halos dalawang taon daw nila ito na-conceptualize.

Excited si Alden nang mabuo na ang cast, lalo na’t makakatrabaho na niya for the first time ang Drama King Christopher de Leon.

“He’s one of the actors that I look up to,” bulalas ni Alden nang makatsikahan namin doon sa storycon.

“Finally, parang ito ‘yung dream come true ko for this year kasi very vocal ako whenever I get into it, sinasabi ko kung sino talaga ‘yung iniidolo and gusto kong makatrabahong actors.

“Of course the one and only Mr. Christopher de Leon, and finally, makakatrabaho ko siya rito sa Code Gray,” sabi pa ni Alden.

Tinanong ko na rin si Alden sa reaction niya sa mga papuri sa kanya ni Nico Bolzico nang magkasama silang sumali sa Triathlon kamakailan lang.

Akala raw kasi ni Nico ay pa-cute lang si Alden, pero hindi niya akalaing malakas pala ito at talagang nakita niya kung paano magpursige ang Kapuso actor sa ganitong endurance sports.

Ka-teammates ni Alden sina Nico at Wil Dasovich. Para kay Alden, ibang experience raw sa kanya itong pagsali niya sa triathlon na ginanap sa Davao kamakailan lang.

Aniya, “Iba rin ‘yung napa-realize sa akin ng pagsali ko sa triathlon. Especially being able to be teammates with Will and Nico during that time. Because kumbaga, pinush din talaga nila ako to really do my best during the race. And at the same time, isa sa mga major race kasi siya e. You know Ironman is a big franchise globally. So, talagang sinikap ko to deliver, and so far, good results naman tayo.”

Kaya ang laki raw ng ibinago sa kanya nitong kinahihiligan niyang activity. “Physically, mentally, emotionally. Parang... for me endurance sports kasi is a way of life already e.

“So, parang it’s a part of my life right now wherein I consider it as my outlet. You know, it’s far away from the field of the work that I’m doing right now. Para kahit papano makahinga and maka-relax. So, isa ‘yun sa mga bagay na pinagtutuunan ko talaga ng pansin because it helps me a lot,” saad ni Alden.

Kaya hinihimok niya ang mga kabataang ma-involve rito kesa raw mahuhumaling sa ibang bisyo.

Sabi nito, “Actually, marami sa mga kabataan natin ngayon siyempre na naghahanap ngayon ng pagkakaabalahan or minsan gustong sumubok ng mga bagong bagay.

“Before I enter the discipline of running and cycling, masyado akong overwhelmed with the idea na kung kaya ko ba siyang gawin.

“But you’ll never know unless you try. And I am telling you the benefits of it and the fulfillment that you can achieve while doing those kind of things, especially sports-related and pampaganda din ng kalusugan, iba din sa pakiramdam.

“So, try it guys. I mean, it’s one of the best vices there is more than anything else, sa halip na iba ‘yung gawin.”

Bago simulan ni Alden ang Code Gray ay tatapusin daw muna niya ang Love Siargao na pagsasamahan nila ni Nadine Lustre.

Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang Stars on the Floor na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7.

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with