^

PSN Showbiz

Dianne dedma sa bashers, proud sa pagiging tindera!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dianne dedma sa bashers, proud sa pagiging tindera!
Maxine, Dianne at Rodjun.
STAR/ File

Bashers are everywhere.

Kahit saang platform, andyan sila at nagkalat.

As if may pakinabang sila sa bina-bash nila. Tho ‘yung iba naman talaga ay bayaran.

Kaya si Dianne Medina, hindi na pumapatol sa bashers.

Isa sa matagumpay na live sellers si Dianne. Na bumenta ng mga produkto ng worth P25 million – gross product.

Tho wala namang kinalaman sa pagiging live seller niya ang bina-bash sa kanya, kaya dedma lang siya para ‘di maapektuhan ang energy nila sa pagbebenta nang live.

Ang kanyang timbang ang lagi raw napupuna sa kanya, na kesyo mataba siya.

Pero aniya sa kasalukuyan ay nagda-diet na siya.

Anyway, isang CEO na si Dianne matapos siyang magtayo ng sariling kumpanya.

Yes may sarili na siyang Live Commerce and Creator Agency.

Kasama niya sa kumpanya ang mister na si Rodjun Cruz at pinsang beauty queen na si Maxine Medina, inilunsad nila kahapon ang DM Studios Live Commerce and Creator Agency.

Paliwanag niya tungkol sa kum­panya: “It’s a live-selling agency, a live commerce platform wherein we help brands, audiences and of course celebrity influencers also. So, basically, we mount live streams into high converting live selling,” saad ni Dianne.

Sa naturang launching ay sinagot nina Rodjun, Dianne at Maxine ang panlalait sa pagiging online seller ng ibang artista.

“Proud live seller po ako kasi hard work po ‘yan, eh, marangal na trabaho. And hindi totoo na ‘pag nagla-live ka, wala ka nang trabaho, laos ka na, hindi po. May mga projects pa po tayo. Kaka-champion lang po natin sa Stars on the Floor, may serye po tayong ginagawa and proud po ako dito kasi po ‘yung team namin, lahat po ‘yan, nagwo-work for their families,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa niya, “ang maganda po dito, nakakatulong na po kami sa brands, nakakatulong din kami sa mga tao. Saka hindi biro ang live selling ha? Akala nung iba, madali lang ‘yan. Hindi po, hard work talaga ‘yan saka dedication.

“At mga matatalino po lahat ng live sel­lers kasi kailangan n’yong aralin ‘yung mga products n’yo, kailangan n’yong pag-isipan ang mga campaigns na gagawin n’yo para ‘yung mga viewers, ma-attract n’yo.”

Si Rodjun ang tumatayong Vice President for Marketing ng DM Studios habang si Maxine naman ang VP for Sales, and of course si Dianne naman ang President.

Sinasabi nga ng iba na tindera lang naman sila at hindi naman talaga ito nakaka-sosyal.

Na nakaupo lang naman daw sila at parang saleslady/salesman.

Pero hindi na nga apektado sina Dianne at Rodjun.

Grateful aniya sila sa mga blessing na natatanggap nila.

Na wala namang magagawa ang mga namba-bash dahil milyones ang kinikita nila sa live selling.                               

DIANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with