^

PSN Showbiz

100 Greatest Filipino Films

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hindi matatawaran ang patuloy na kontribusyon ni seasoned entertainment journalist Jo-Ann Maglipon sa showbiz. (Ako hanggang seasoning na sawsawan lang!) Marami ang sasang-ayon na kapag narinig mo ang pangalan nya, maiisip mo agad ang credible showbiz reporting. (At parang ang sosyal ng showbiz ‘pag sya ang nagsulat o namahala ng isang showbiz portal!)

May ilang beses ko nang naka-chika si Ms. Jo-Ann sa ilang mga events pero isa sa tumatak sa’kin ay nung mag-host ako ng Multimedia Press (MMPRESS) Icon Awards 2 years ago. Isa sya sa mga awardees at ang ‘di ko makakalimutang linya nya sa kanyang acceptance speech ay… “I do not think of showbiz as a side bar or an ad-dendum. I want showbiz at centerstage. I want it respected.” ( O ‘di ba gusto ko mag-ing proud na nasa showbiz ako! Taray!)

Nitong nakaraang linggo ay bumisita si Ms. Jo-Ann sa aming youtube show na Ma-rites University para sa isang kwentuhan at mai-promote ang kanyang pinakabagong librong.: “Sine. Film. Pelikula. The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema. “(Dapat pala naka
gawa ako ng movie! Baka napasama sa listahan!)

“Nung meron pang Yes Magazine, isa sa mga nangyari, Si Ronald Constantino, parang binuyo buyo kami sa isang presscon at ang sabi nya, Ms. Jo-Ann why don’t you come up with a book on the 100 greatest films, parang ganyan, the best films. Sabi ko, napag-iispan na namin ‘yan noon. Wow maganda sana, it’s more of a legacy publication. Pero isinantabi muna namin kasi napakaraming gagawin para ilabas ‘yung aming magazine monthly. Pero overtime, sige itinuloy namin. Eto na sya.” Pagkukwento ni Ms. Jo-Ann. (collector’s item sya!)

Maraming nangyari bago naisakatuparan ang pagre-release ng libro. Nandyan yung pagtigil ng publication ng kanilang magazine para mag-concentrate sa digital platform at ang pandemya. Pero mukhang tamang timing lang ang hinintay para mailabas ito. Maliban kay Ms. Jo-Ann at kanyang staff, naging mentor nila sa proseso ang pagpili ng mga pelikula si Film Guru Joel David. (Di lang basta expert ha! Guru ito!)

“Ang requirement namin sa screening committee which is composed of all the YES staff, at least 3 members should have watched. For as long as the 3 of us have seen it, we can include it. Hindi rin kami nag-a-aggree ha. We really talk about it.” Pagbabahagi ni Ms. Jo-Ann. (Wala naman daw bangayan!)

Personal na paborito ni Ms. Jo-Ann ang Manila by Night, (City after Dark) by Direk Ishmael Bernal. “For some reason, it has political statement, multi character, multi layered. Genius naman talaga si Bernie. Talagang Wow!” (go Direk Ishma!)

May special na puwang din sa puso nya ang mga action films.

“I love action films. ‘Yung aksyon na gusto ko ‘yung aksyon na nananalo ang tama, nasisira ang masasama. Favorite ko FPJ, Panday 1, Panday 2. Etc!” (I’m sure agree si Coco Martin dyan!)

Maraming hene-
rasyon ng pelikula ang sakop ng libro na umabot hanggang taong 2020. “The big requirement is there must be a copy of the movie because we want viewers to have access. Hindi lang ito pang filing or canonization. All of those we put here, 127 of them, they have a copy.” Paglalahad ni Ms. Jo-Ann. (syempre bawal ang pirated ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with