^

PSN Showbiz

Wilka, hiwalay na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Wilka, hiwalay na?!
Will Ashley at Mika Salamanca
STAR/F ile

Totoo kayang hiwalay na sina Will Ashley at Mika Salamanca na?

Ayaw kumpirmahin sa akin ng ilang taong malapit sa dalawa, pero parang open secret na raw ito sa ilang katrabaho nila.

Hindi lang ma-open ng dalawa sa publiko dahil magka-loveteam sina Mika at Brent Manalo.

Pero sa totoo lang, may ilang fans na tanggap naman nila si Will para kay Mika.

Pero si Will ay naka-loveteam naman si Bianca de Vera, at mukhang ipa-partner ito sa ibang Kapuso actress sa pina-planong drama series.

Kaya kung totoo man itong relasyong Will at Mika, sa kanila na lamang ito at hindi na kailangang isapubliko.

Samantala, hindi pa rin pala ganun palung-palo ang ratings ng series ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na The Secrets of Hotel 88.

Pinalitan nito ang timeslot ng PBB Celebrity Collab, at so far, hindi pa naabot ng The Secrets of Hotel 88 ang PBB.

Samantala, expected nang mataas ang rating ng finale episode ng FPJ’s Batang

Quiapo na nagtapos na noong nakaraang Biyernes, March 13.

Ang The Alibi nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang ipinalit sa timeslot ng Batang Quiapo.

Tingnan natin kung ma-appreciate ito sa free TV at kaya nitong talunin ang Sang’gre.

Carlene, nagpasalamat kay Jennylyn

Magandang blended family ang ipinakita nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Carlene Aguilar, nang magkakasama silang sumuporta sa laban ni Calix Andreas Ho sa UAAP Season 88 Fencing Tournament.

Si Calix ang anak nina Carlene at Dennis, na parang anak na rin ang turing ni Jennylyn.

Nasungkit ni Calix ang gold sa naturang tournament na ikinatuwa nilang lahat.

Nagpapasalamat si Carlene sa suporta ng mag-asawang Dennis at Jennylyn sa kanyang anak.

Sabi ni Carlene, bandang 2021 at 2022 daw nagsimulang mag-training si Calix sa Fencing. Talagang sinuportahan daw ito ni Dennis. “Yes, super support! Sobrang appreciate ko, lalo na si Jen,” text sa akin ni Carlene nang tinanong ko tungkol sa suporta ng actor na ama sa kanilang anak.

Noon pa man ay puring-puri ni Carlene si Jennylyn dahil sa napakabait daw nito sa kanila lalo na kay Calix.

Nakikita niya kung paano minahal ni Jennylyn ang kanyang anak.

Kahit si Dennis din ay mahal din, at itinuring na ring anak si Jazz, ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia.

Napatunayan ni Calix ang galing niya sa fencing at lalo raw siyang nagpursige sa training nito.

Hindi naman daw masama kung mag-ambisyon ang anak niyang itong pagpe-fencing ay makakaabot sa SEA Games at sana raw sa Olympics.

MIKA

WILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with