Maricar, excited mag-explore

Makakatrabaho ni Maricar Reyes si Bea Alonzo sa Whispers From Heaven. Lubos ang pasasalamat ni Maricar dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ng isang serye sa GMA Network.
Kontrabida ang bagong karakter na gagampanan ng aktres. Kabilang din sa bagong proyekto sina Tom Rodriguez, Jake Macapagal, Cassy Legaspi, at Jason Abalos. Ayon kay Maricar ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanyang gagawin sa naturang Kapuso series.
“I’m excited to explore kasi ano siya eh, parang antagonist siya, excited ako to explore. Actually, I was just talking to Jake Macapagal how we explore our characters. Kasi siyempre wala naman taong nagigising sa umaga na gustong maging bad guy. Parang it develops over time, over a series of bad choices, bad mindsets. So excited ako to explore that with my fellow actors also,” pagbabahagi ng aktres.
Jillian, maraming ginagawang trainings
Isang bagong single ang nakatakdang ilunsad ni Jillian Ward ngayong taon. Tumulong pa umano ang dalaga sa pagsusulat ng bagong kanta kaya mas naging personal ang tema nito. “Ang ginawa ko, ni-revise ko ‘yung ibang mga lyrics para mas ma-express ko talaga ‘yung nararamdaman ko, mas ma-express ko ‘yung sarili ko. So marami po akong naging revisions sa song na ‘yon. Abangan n’yo na lang po ‘yung song. Basta ‘yung mga ni-revise kong lyrics do’n, ‘yun ‘yung nararamdaman ko,” masayang kwento ni Jillian.
Para sa nakilalang Star of the New Gen ay talagang magkaiba ang ginagawang pag-arte sa harap ng kamera kumpara sa pagkanta. “‘Pag nagpe-perform po ako or kumakanta ako, nae-express ko po talaga ‘yung sarili ko, hindi character sa isang show,” giit niya.
Matatandaang taong 2024 nang i-release ni Jillian ang kantang Be All Mine. Mas paghuhusayan pa umano ng Kapuso actress ang bawat trabahong kanyang ginagawa sa bakuran ng GMA.
(Reports from JCC)
- Latest






















