^

PSN Showbiz

Anne Curtis, tumanggap ng dobleng pagkilala!

Pilipino Star Ngayon

Nagkamit ng mga pangunahing parangal ang ABS-CBN sa Laurus Nobilis Media Excellence Awards 2026 ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Cavite, kabilang ang dalawang panalo para kay Anne Curtis.

Ang noontime hit na It’s Showtime ay tinanghal na Media Excellence in Variety Show Program, habang sina Anne Curtis at Vice Ganda naman ang kinilala bilang Female at Male winners sa Media Excellence in Variety Show Hosting.

Ang It’s Okay to Not Be Okay ay nag-uwi ng Media Excellence in Television Drama Program na pagkilala. Sina Anne Curtis at Joshua Garcia naman ay ginawaran din ng Media Excellence in Television Drama Acting (Female at Male) para sa kanilang mahusay na pagganap bilang Mia at Patpat sa serye.

Samantala, pinarangalan ng Media Excellence for Public Affairs Hosting (Female) si Karen Davila para sa kanyang galing sa My Puhunan: Kaya Mo!

Binibigyang-pagkilala ng Laurus Nobilis Media Excellence Awards ng LPU-Cavite ang mga natatanging kontribusyon sa media na sumasalamin sa Lycean values.

Cesca, ibinida ang mga nonchalant na unti-unting umiibig

Inamin ng singer-songwriter at multimedia artist na si Cesca ang tunay na nararamdam ng kanyang puso sa bagong awitin na I’m Nilalamig.

“This song is about that awkward, exciting phase where I’m clearly catching feelings but pretending I’m not. I try to act normal, keep my distance, convince myself I’m being demure, until one small moment completely gives me away. Saying I’m cold turns into him offering his coat, and from there, things just shift,” saad ng StarPop artist.

Ang indie pop track ay isinulat at prinodyus ni Cesca bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa music scene. Nakatuwang din niya sa pagpo-produce ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Noong 2022, inilunsad ni Cesca ang debut extended play (EP) na Travel tampok ang singles na Lovesick - Pagmahalasakit, Pambihirang Harana, at What If. Umani ang EP ng mahigit 18 million streams sa Spotify. Nakatanggap din siya ng nominasyon para sa Best Traditional/Contemporary Folk Recording sa 36th Awit Awards.

Sinundan niya ito ng kanyang unang full-length album na Balse ng Gabi kung saan nakasama niya si Maki para sa title track nito.

Naging bahagi rin siya ng collaboration song na Wala? Nandiyan kasama sina Trisha Denise at Belle Mariano. Bukod sa sarili niyang musika, nakapagsulat siya ng mga awitin para sa ibang artists tulad ng Somber ni Belle.

ANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with