^

PSN Showbiz

Coco, ratsada sa ­huling 10 gabi ng BQ!

Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos tutukan ng sambayanang Pilipino ang isa sa pinakamasalimuot na linggo ng FPJ’s Batang Quiapo, aarangkada na ang mas pinatin­ding aksyon sa pangunguna ni Tanggol (Coco Martin) para sa huling 10 gabi ng serye.

Raratsada na ang bakbakan dahil handa na si Tanggol para sa isang malaking digmaan laban sa pamilya Guerrero matapos ang sunud-sunod na pagkamatay ng pinakamamahal niyang tropa.

Matutunghayan na sa serye ang pagsiklab ng isang malaking rebolusyon tampok ang mga makapigil-hiningang komprontasyon kung saan makikipagsanib-pwersa si Tanggol sa taumbayan upang patalsikin sa pwesto ang mga Guerrero.

Isa sa mga dapat abangan sa mga susunod na episode ay ang matinding girian sa pagitan nina Tanggol at Miguelito (Jake Cuenca) sa city hall ng Maynila.

Sa kabila ng gulo sa Quiapo, maaaring may magbuwis din ng buhay dahil sa paggamit ng dahas laban sa mga kakampi ni Tanggol na sina Tindeng, Roda, at Ponggay (Charo Santos, Joel Lamangan, at Maris Racal).

Sinu-sino ang susunod na mamamaalam sa serye?

Napapanood na ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

BQ

COCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with